Coleen wasak ang puso sa pagkamatay ng tatay ni Billy: We’ll miss you
WASAK na wasak din ang puso ngayon ni Coleen Garcia dahil sa pagpanaw ng kanyang father-in-law na si Jack Crawford.
Nagluluksa ang kanilang pamilya sa pagkamatay ng ama ng kanyang husband na si Billy Crawford nitong nagdaang Linggo, September 22.
Walang ibinigay na detalye ang celebrity couple kung ano ang ikinamatay ni Mr. Jack Crawford.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Coleen ang kanyang saloobin sa pagpanaw ng ama ni Billy at lolo ng anak nilang si Amari.
“We’ll miss you, DaddyC. You can rest now. No more pain. We love you, and you will be in our hearts forever.
“Until the very end, even on his last days, he remained strong, jolly, and quick-witted. That’s how we will always remember him.
“Thank you, Lord, for the long and meaningful life he’s lived, and for giving us all the chance to spend time with him,” ang bahagi ng mensahe ng aktres.
View this post on Instagram
Dugtong pang pahayag ni Coleen, “We prayed for him to make it to our wedding, and You even made a way for him to create memories with Amari.
“It’s been a long and tough battle for him, and now we lift him up, knowing he’s in Your arms,” aniya pa.
Nauna nang nag-post si Billy tungkol sa pagkamatay ng kanyang tatay sa pamamagitan din ng social media.
Sa kanyang IG post, humingi ng paumanhin ang husband ni Coleen Garcia dahil hindi man lang daw niya nakita at nakausap ang kanyang tatay bago man lamang ito mamaalam.
“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart.
“Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ.
“I’ll truly miss you, my main man! Love, your son. Billy Joe CRAWFORD,” ang buong mensahe ng singer-actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.