Coleen Garcia itinangging hiwalay na sila ni Billy Crawford

Coleen Garcia itinangging hiwalay na sila ni Billy: Never kaming nag-break

Therese Arceo - June 08, 2024 - 06:18 PM

Coleen Garcia itinangging hiwalay na sila ni Billy: Never kaming nag-break

PINABULAANAN ng aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia ang chikang hiwalay na sila ng asawang si Billy Crawford.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na umere noong Huwebes, June 6, naikuwento ng aktres na dumating sa punto na muntik na silang maghiwalay.

Ngunit paano nga ba napigilan nina Coleen at Billy na humantong sa hiwalayan ang kanilang masayang pagsasama?

“Never kaming nag-break. There were a lot of instances na almost, pero not really, kasi hindi siya pumapayag.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia ilang beses nang tinraydor: Pero madali pa rin akong mag-trust

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sabi niya: ‘No, we’ll fix this.’ Ipinaglalaban niya talaga always ‘yong relationship,” pagbabahagi ni Coleen.

Nilinaw rin ng aktres na hindi dahil may nagawang mali si Billy kundi sadyang nakaramdam lang siya ng pagod.

“Kasi, I think ganoon lang kasi talaga ako Tito Boy. Ganoon lang talaga ako kalala. ‘Ayoko na, tapos na ako!’ Palagi akong gano’n,” amin ni Coleen.

Labis nga ang kanyang pasasalamat sa asawa dahil tinuruan raw siya nito kung paano mas maging committed sa mga bagay bagay hindi lang sa kanilang pagsasama kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng buhay.

April 2018 nang ikasal sina Coleen at Billy sa Balesin Island. 2020 naman nang isilang ang anak nilang si Amari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending