Coleen ilang beses tinraydor: Pero madali pa rin akong mag-trust

Coleen ilang beses nang tinraydor: Pero madali pa rin akong mag-trust

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 06:10 AM

Coleen ilang beses nang tinraydor: Pero madali pa rin akong mag-trust

Coleen Garcia, Billy Crawford, Sanya Lopez, Xian Lim at Faye Lorenzo

KAHIT ilang beses na siyang naloko at naisahan, madali pa ring magbigay ng tiwala si Coleen Garcia sa kanyang kapwa.

Yan ang pag-amin na ginawa ng wifey ni Billy Crawford nang mapag-usapan ang trust issues sa mediacon ng bago niyang pelikula under Viva Films and GMA Pictures, ang “Playtime” kasama sina Xian Lim, Sanya Lopez at Faye Lorenzo.

Isa kasi sa tinalakay sa naturang suspense-thriller drama ay ang mabilis na pagtitiwala sa mga taong nakakasalamuha natin kahit hindi pa naman talaga natin sila kilala.

Baka Bet Mo: Payo ni Jake bilang batang ama: Kung hindi kayo ready, ‘wag n’yong gawin

Ayon kay Coleen, madali raw talaga siyang magtiwala sa tao kaya naman palagi siyang nabibiktima ng mga manloloko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ilang beses na rin akong na-betray, and na-break ‘yung trust, pero for some reason, madali pa rin ako mag-trust ng ibang tao, pero nandoon pa rin ‘yung expectation ko,” pahayag ni Coleen.

Pero siyempre, ngayong napakagulo ng mundo at napakaraming nangyayaring kanegahan sa kapaligiran, medyo natuto na siya sa mga nangyari sa kanya in the past, lalo na ngayong may pamilya na siya na kailangang protektahan.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia ayaw nang tumodo sa pagpapa-sexy: ‘It’s not because nag-asawa ako o may anak na ako…’

Isa pa sa tema na mapapanood sa “Playtime” na showing na sa June 12 sa mga sinehan nationwide, ay ang issue da mga sexual predators na nandiyan lang sa tabi-tabi.

Paano naman pinangangalagaan ni Coleen ang sarili sa mga ganitong uri ng pananamantala?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I guess it’s a case-to-case basis for everybody on how they should protect themselves from sexual predators.

“It does happen, and most of the time, it occurs when dealing with strangers. Kailangan magsabi ka sa taong makakatulong sa’yo if someone crosses your boundaries.

“Hindi ko pa talaga yan na experience. Pero may mga kilala ako na naka-experience na at nakakatakot talaga. Not just now. Kahit noon nakakatakot talaga. So it’s important to watch yourself,” pagbabahagi ng aktres at celebrity mom.

“Halimbawa lalabas ka at iinom ka, make sure you are with people who are safe with. Ako kasi when I was still dating, hindi talaga ako agad nakikipag-date agad. Yung kaming dalawa lang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Normally I invite my friends to be with us. So maganda na mag-start tayo ng ganun hanggang magbuild yug trust. It’s hard to be alone na wala kang tiwala sa kanya. Don’t put yourself in a compromising situation,” sey pa ni Coleen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending