Faye nakakaloka ang chika sa unang pagkikita nila ni Coleen

Faye Lorenzo nakakaloka ang chika sa unang pagkikita nila ni Coleen

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 07:30 AM

Faye Lorenzo nakakaloka ang chika sa unang pagkikita nila ni Coleen

Coleen Garcia at Faye Lorenzo

TAWANG-TAWA kami sa kuwento ng Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Coleen Garcia.

Magkasa ang dalawa sa upcoming movie na “Playtime” produced by Viva Films and GMA Pictures under the direction of Mark Reyes.

Ka-join din nila sa “Playtime” na isang suspense-thriller drama, sina Xian Lim at Sanya Lopez.

Baka Bet Mo: Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding

Sa naganap na presscon para sa naturang pelikula last Saturday, June 1, natanong ang cast members kung ano ang maisi-share nilang experience working with each other.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Faye Lorenzo (@fayelorenzo_)


Pagbabahagi ni Faye, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya sina Coleen at Xian at may isa siyang nakakatawang kuwento during their story conference.

“Nakikipag-change seat ako (kay Sanya). Kasi nu’ng storycon namin, nandito ako, si Sanya, and then si Xian.

“Last dumating si Coleen, so nu’ng darating na siya, tatabi siya sa akin. Malayo pa lang, pagkakita ko sa kanya, sabi ko talaga kay Sanya, ‘Sanya, palit tayo ng upuan, baka English ‘to, e.’ Ha-hahaha!

“Tapos noong tumabi siya sa akin, nag-Tagalog siya, sabi ko kay Sanya, ‘Nag-Tagalog siya!” ang natatawa pa ring chika ni Faye.

Baka Bet Mo: Anjo umiiyak na nagkuwento tungkol sa naranasang depresyon, anxiety; Faye, Jelai walang inurungan sa TBATS

Samantala, tungkol sa sexual predator ang tema ng “Playtime” kung saan tatlong babae (played by Sanya, Coleen and Faye) ang mabibiktima ng karakter ni Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Isa raw sa mapupulot na aral sa pelikula ay ang huwag basta-basta magtiwala sa mga taong nakikilala lamang sa social media o mga dating apps.

Sa tanong kay Faye kung ano ang maipapayo niya para maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente, “Siguro huwag mong ibibigay ang 100 percent mo.

“Share ko lang noong nag-abroad ako sa Europe, may nagsabi na sa akin na hindi safe ang place na yun.

“So merong mga guy na lumalapit sa akin. Alam mo ang una kong ginawa, papalapit pa lang yung guy, yung bag niyayakap ko na talaga.

“Baka kasi makikipagkilala lang sa akin tapos biglang hablutin pala yung bag ko. So kailangan mo talagang mag-ingat,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Playtime” sa June 12, mula sa direksyon ni Mark Reyes under Viva Films and GMA Pictures.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending