Relasyon nina Xian at Kim 'playtime' lang ba?

Relasyon nina Xian at Kim na tumagal ng 12 years ‘playtime’ lang ba?

Ervin Santiago - June 02, 2024 - 01:48 PM

Relasyon nina Xian at Kim na tumagal ng 12 years 'playtime' lang ba?

“PLAYTIME” nga lang ba ang nangyari sa mahigit isang dekadang relasyon ng ex-celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu?

Muling nakaharap ng ilang members ng entertainment media si Xian kahapon para sa presscon ng latest movie niya, ang suspense-thiller na “Playtime.”

Makakasama niya rito sina Sanya Lopez, Coleen Garcia at Faye Lorenzo, mula sa direksyon ni Mark Reyes. Ito ang isa sa mga bonggang collaboration this year ng GMA Pictures at Viva Films.

Sa naganap ngang presscon ng “Playtime” natanong ang cast members kung nagkaroon na sila ng past relationship na masasabi nilang “playtime” lang.

Sagot ni Xian, “Kung ako yung nang playtime, hindi po. Kung ako ba yung na-playtime, hindi ko alam.

Baka Bet Mo: Kim hindi alam kung may bagong dyowa si Xian, kumusta na ang puso niya?

“If sa duration ng relationship masasabi mo na no matter kung may playtime nga yan sa tagal ng relationship nyo kung weeks, months or years, you can never say it was playtime,” aniya pa.

“There was a reason kung bakit dumating yang tao sa buhay mo mapa maganda man on or hindi. There’s a reason why the person came into your life,” dugtong ng actor-director.

In fairness, mukhang hindi naman pang-playtime lang ang naging relasyon nina Kim at Xian dahil tumagal naman sila ng 12 years, at hindi biro ang mahigit isang dekadang pagmamahalan.

Masaya na ngayon si Xian sa piling ng bago niyang dyowa, ang film producer na si Iris Lee habang nali-link naman ngayon si Kim kay Paulo Avelino.

Samantala, excited na si Xian at ang iba pa niyang kasamahan sa pagpapalabas ng “Playtime” sa mga sinehan simula sa June 12, Independence Day.

“Sobra akong na-excite! Direk Mark was looking for something new. I’ve done my share of psychological (films) in the past and Playtime is very different naman,” ani Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito ‘yung hinahanap ko right now na parang just do something different. Of course after doing Love. Die. Repeat, my soul is looking for something to do na kakaiba naman.

“I would say na this would be the most intense role that I would be playing. It’s really just edgy and at the same time, pushing my comfort zone. Kasi, hindi ko pa siya nagagawa ever,” sabi pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending