Kim hindi alam kung may bagong dyowa si Xian

Kim hindi alam kung may bagong dyowa si Xian, kumusta na ang puso niya?

Pauline del Rosario |March 17,2024
facebook
share this

Kim hindi alam kung may bagong dyowa si Xian, kumusta na ang puso niya?

Pauline del Rosario - March 17, 2024 - 11:23 AM

Kim hindi alam kung may bagong dyowa si Xian, kumusta na ang puso niya?

PHOTO: Instagram/@xianlimm

NAG-OPEN UP ang TV host-actress na si Kim Chiu tungkol sa estado ng kanyang puso makalipas ang tatlong buwan mula nang maghiwalay sila ni Xian Lim.

Sa isang YouTube vlog, nagkaroon ng heart-to-heart talk si Kim kasama ang celebrity doctor na si Dra Vicki Belo.

“Ang puso, it’s a little empty pero okay naman. It’s part of life and part of growing up,” sey ni Kim nang kamustahin siya ni Dra. Vicki.

Sagot naman sa kanya ng doktora, “Alam mo, I always think na kapag hindi ka pa natututo, pinapadalan ka nanaman ng parehong lesson.”

Pero paglilinaw ni Kim, “This one naman is a different lesson…parang ‘yung isa is a different scenario and also this one is different.”

“So what happened ba talaga?” usisa ng celebrity doktor.

Baka Bet Mo: Kim Chiu sa pagbibigay 2nd chance sa nang-iwan sa kanya: Hindi na

Tikom pa rin ang bibig ni Kim kaugnay sa tunay na dahilan kung bakit nag-break sila ng ex-boyfriend at sinabing: “Wala naman, baka magalit siya e…Mutual decision ‘yan to end things and to move on with our lives.”

“Medyo mahirap siya and you have just to accept siguro ‘yung mga bagay na wala ka nang control and you cannot push yourself sa mga bagay na not naman in the same wavelength,” dagdag ng “It’s Showtime” host.

Nang tanungin naman siya ng celebrity doctor kung ano ang plano niya ngayong single na siya.

“Ako, parang ayoko na ng too much expectations on what will happen sa buhay ko in the next 6 months or in the next years to come,” sambit ni Kim.

Patuloy niya, “Parang gusto ko nalang mag-enjoy kasi sa buhay natin parang na-plano na ito ni God lahat eh, parang everything doesn’t happen by chance, it was written already before you were born.”

“Parang paniniwala ako na baka hindi pa siguro siya time for me, hindi siguro siya para sakin,” ani pa niya.

Inamin din ni Kim sa interview na wala siyang pinagsisisihan pagdating sa pag-ibig, lalo na’t ibinibigay niya ang lahat.

“I give my 100% para at the end, wala akong pagsisihan, wala akong regrets. Just lesson learned,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Growing up, nasanay na talaga ako I always give love.”

Sumang-ayon naman diyan si Dra, Vicki at chinika na may nakarating nga raw sa kanya na maalaga at sobrang mabagbigay ang aktres.

Baka Bet Mo: Xian Lim panay ang cryptic post: ‘I only want real’

“I heard the way you give love…inaalagaan mo lahat, you’re so generous super,” lahad ng doktora.

Tugon diyan ni Kim, “Naging nature ko na ‘yun kasi ‘yun lang gusto ko. I want to give love para someday someone will give me his unconditional love.”

Bandang huli ay deretsahang tinanong ni Dra. Vicki si Kim kung totoo nga bang may bagong dyowa na si Xian.

“Naririnig ko na meron na raw iba ‘yung isa. Actually ang chismax is medyo matagal na siyang merong ganun [ibang dyowa]…so ang question, is it true?” tanong sa kanya.

Ani naman ng aktres, “Hala, hindi ko alam, dok. Wala akong idea.”

Magugunita na noong nakaraang taon nang umugong ang mga chikang hiwalay na sina Kim at Xian.

May ilang netizens pa nga ang nagsasabing may third party umano, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito sinasagot ng dating couple.

December last year nang naglabas ng official statement si Kim upang kumpirmahin na nag-break na sila ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently lamang ay naging usap-usapan ulit si Xian matapos mag-viral ang larawan niya kasama ang film producer ng Viva Max na si Iris Lee.

Naging hot topic rin ito ng showbiz insider na si Ogie Diaz kamakailan lang na base raw sa source niya sa Bangkok, Thailand ay namataan si Xian kasama ang producer na magka-holding hands habang naglalakad at sweet din daw kapag nasa hotel na at nasa iisang kwarto lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending