'Love, Die, Repeat' nina Jennylyn, Xian matatapos na

‘Love, Die, Repeat’ tatapusin na, sinisi si Xian

Reggee Bonoan |March 08,2024
facebook
share this

‘Love, Die, Repeat’ tatapusin na, sinisi si Xian

Reggee Bonoan - March 08, 2024 - 04:02 PM

'Love, Die, Repeat' malapit nang matapos, 'flopped' daw dahil sa Linlang?

PHOTO: Instagram/@xianlimm

MINI series lang daw ang “Love, Die, Repeat” nina Jennylyn Mercado at Xian Lim kaya huwag nang pagtakhan kung last three weeks na lang ito mapapanood sa GMA 7.

May kumakalat na balitang kaya tatapusin na ng seryeng LDR na nagsimula noong Enero 15, 2024 ay dahil hindi ito nagre-rate bagay na pinabulaanan naman ng aming kausap dahil hindi man kataasan ang ratings pero lumalaban at hindi naman ito flop.

Nabanggit pa na ang LDR nina Jennylyn at Xian ang ikalawang seryeng maiksing umere sa Kapuso network at nauna na ang “Love Before Sunrise” nina Dennis Trillo at Bea Alonzo kasama sina Andrea Torres at Sid Lucero na nagsimula naman noong Setyembre 2023 at nagtapos ng Disyembre 2023.

Tsinek namin kung ano ang katapat ng “Love, Die, Respeat” at ito pala ang mainit na pinag-uusapan, ang “Linlang” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Baka Bet Mo: Jennylyn puring-puri si Xian bilang leading man: Magaan siya katrabaho

Susme, kailangan pa bang pagtakhan kung bakit sinasabing talo ang LDR in terms of ratings?

Naniniwala ang kausap naming taga-GMA 7 na may kinalaman si Xian Lim kaya hindi gaanong kinagat ang LDR series nila ni Jennylyn kasi nga nakuha ni Kim Chiu ang simpatiya ng tao nu’ng naghiwalay sila.

Saka malalaman naman talaga kung mataas ang ratings ng serye kung mainit itong pinag-uusapan ng mga Marites o naging household topic ito.

Saka hindi na rin kinukuwestiyon ito dahil nu’ng umere ang “Linlang” sa Amazon Prime video ay kaliwa’t kanan ang pagbati sa buong Team.

“Si Xian ang dahilan kaya mawawala ang LDR,” sitsit sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang unfair naman sa aktor kung sa kanya isisi lahat dahil naniniwala kaming group effort naman ito, sadyang hindi lang kinaya ng tambalang Jen at Xian ang Kim at Paulo or KimPau.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending