Kim Chiu sa pagbibigay 2nd chance sa nang-iwan sa kanya: 'Di na

Kim Chiu sa pagbibigay 2nd chance sa nang-iwan sa kanya: Hindi na

Therese Arceo |February 22,2024
facebook
share this

Kim Chiu sa pagbibigay 2nd chance sa nang-iwan sa kanya: Hindi na

Therese Arceo - February 22, 2024 - 11:54 PM

Kim Chiu sa pagbibigay 2nd chance sa nang-iwan sa kanya: Hindi na
TILA hindi naniniwala ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu sa pagbibigay ng second chance sa mga taong nakasakit sa kanya.

Ito ay kanyang ibinahagi sa nagdaang segment ng “Expecially For You” ng “It’s Showtime” noong Miyerkules, February 21.

Nausisa kasi si Kim ng kanyang co-host na si Vhong Navarro kung magbibigay ito ng pangalawang pagkakataon sa kanyang naging karelasyon kung sakaling ipinaglaban siya nito.

Base kasi sa kuwento ng mga guests na dating magkasintahan, isa sa naging isyu ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa pagtutol ng magulang.

Sa halip kasi na ipilit ng lalaki ang kanilang pagmamahalan ay mas pinili na lang niyang sundin ang desisyon ng ama ng dating kasintahan.

“Pero kapag ikaw ‘yun Kim, kapag ipinaglaban ka, anong dapat bang gawin… Halimbawa ikaw si Anne, pinaglaban ka ni NJ, kunyari lang,” baling ni Vhong sa dalaga.

Baka Bet Mo: Kim Chiu hinihiritang mag-Expecially For You, damay si Gerald?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sagot ni Kim, “Siyempre mas nakakababae kapag ipinaglalaban ka… pero rerespetuhin natin sa kung yan lang ang kanyang kaya.”

Nang nagsimula na ang paghahanap ng bagong kaibigan ni searcher ay napag-usapan kung totoo bang nagmamahal ang taong madaling magparaya.

Ayon sa isang searchee, naniniwal siyang kahit palayain niya ang taong mahal niya, kung para talaga sila sa isa’t isa ay muli silang magtatagpo.

Baling muli ni Vhong sa co-host, “Nag-a-agree ka rin ba dun, Kim, na kung para sa iyo, e, babalik siya?

“Di ba, nilaban mo naman, tapos nawala? Pero kapag gusto pang bumalik, papayagan mo pa bang bumalik?”

“Sa pagmamahal, ilalaban mo naman talaga,” sagot ni Kim.

Pagpapatuloy niya, “Ako kasi yung taong kapag iniwan na ako… ‘Bakit mo ako iniwan, di ba?’ So, hindi na.”

Paglilinaw naman ng tinaguriang “chinita princess” iba iba naman daw ang pananaw ng tao ukol sa usaping pag-ibig.

“Hindi naman sa ano, iba-iba naman kasi yan. Saka kapag nandun ka na, hindi mo talaga masasabi. Wala talagang makakapagsabi kung ano ang magiging desisyon mo kapag nandun ka na [sa sitwasyon],” sey pa ni Kim.

“Today iba ang sagot mo, kahapon iba, bukas iba rin, di ba?” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami tuloy ang nag-ugnay ng sagot ni Kim sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Xian Lim na tila wala nang second chance na magaganap sa dalawa.

Sa ngayon ay inamin naman ng aktres na hindi niya prayoridad ang paghahanap ng pag-ibig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending