Kim Chiu hinihiritang mag-Expecially For You, damay si Gerald?

Kim Chiu hinihiritang mag-Expecially For You, damay si Gerald?

Therese Arceo |February 10,2024
facebook
share this

Kim Chiu hinihiritang mag-Expecially For You, damay si Gerald?

Therese Arceo - February 10, 2024 - 06:46 PM

Kim Chiu hinihiritang mag-Expecially For You, damay si Gerald?
HINDI mapigilan ng mga netizens ang kulitin ngayon ang TV host-actress na si Kim Chiu matapos ang kanilang kulitan ng mga “It’s Showtime” hosts sa segment na “Expecially For You”.

Kahapon, February 9, sinabi ni Vice Ganda na sana ay ibigay na ng Panginoon ang mga hinihiling ng puso ng kaibigan.

“Pero serious ‘yun a. May the Lord give you what your heart desires… whatever it is,” sey ni Vice Ganda kay Kim.

Sagot naman ng dalaga, “Salamat. Thank you… in time.”

Pagkatapos nito ay biniro naman ni Kim ang babaeng searchee na umalis sa pwesto nito na siyang ikinaaliw ng madlang pipol.

“Ay gusto mo talaga? Parang gustong sumalang madlang pipol! Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo rito,” sey ni Vice.

Baka Bet Mo: Kim Chiu ipinagdasal ng It’s Showtime hosts para sa ‘healing’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hirit pa ni Vhong kay Kim, “May Valentine’s Day special tayo.”

“Sa mga madlang pipol na nanonood sa kanilang telebisyon, kung magte-trendong po ito, use the hashtag….” natatawang sabi naman ni Jhong.

Biro pa ni Vice, si Direk Lauren Dyogi raw ang uupo para makita ang tatlong applicants para maka-date si Kim kung sakali.

Sabi naman ng dalaga, “Tama naaaa! Hirap na hirap na ako.”

Kaya naman hindi na kataka-taka kung biglang mag-trending si Kim sa X (dating Twitter) dahil bet na rin ng mga taong mahanap nito ang bagong magpapasaya sa kanyang puso.

At kasabay nga nito ay ang pag-trending ng ex-dyowang si Gerald Anderson na siya raw uupo bilang “ex” at tutulong sa kanyang pumili ng makaka-date.

“Kim Chiu & Gerald Anderson for Expecially For You special edition on Feb.14,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Sana sa Valentine’s Day Edition ng Expecially For You. Si Kimmy ang sumalang HAHAHA tapos labas si Papa Paulo para promote nadin ng WWWSK (What’s Wrong With Sec. Kim).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang aliw talaga siguro if nasa EXpecially for you ang Kimerald 😂 pumayag na kayo Kim Chiu at Gerald!! Jsq hahahahaahahha,” hirit naman ng isa.

Abang-abang na lang tayo dahil malay natin at pumayag ang dalawang partido lalo na at in good terms naman silang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending