Kim Chiu ipinagdasal ng It's Showtime hosts para sa 'healing'

Kim Chiu ipinagdasal ng It’s Showtime hosts para sa ‘healing’

Therese Arceo |February 10,2024
facebook
share this

Kim Chiu ipinagdasal ng It’s Showtime hosts para sa ‘healing’

Therese Arceo - February 10, 2024 - 01:47 PM

Kim Chiu ipinagdasal ng It's Showtime hosts para sa 'healing'
AGAD na nag-trending ang TV host-actress na si Kim Chiu matapos niyang pabirong paalisin ang kanilang babaeng searchee sa segment na “Expecially For You”.

Habang nagho-host kasi ay hindi mapigilan ang mga hugot at bardagulan ng mga “It’s Showtime” hosts habang pinakikinggan ang istorya ng kanilang mga guests na mag-ex dyowa.

Sa isang parte kasi ng segment ay napag-usapan nila Vice Ganda, Kim, Jhong, at Vhong na napakasarap sa pakiramdam ang ipagdasal ng isang tao.

“‘Wag daw mahihiyang humiling kay Lord kahit anong gusto mong hilingin kasi si Lord hindi naman judgmental,” saad ni Vice.

Hiniritan naman ni Vhong si Kim na makikitang tila naglalakad paalis kung saan ito pupunta.

“Pray lang ako,” pabirong saad ng dalaga.

Baka Bet Mo: Kim Chiu ibinandera ang 2023 recap sa socmed: ‘It was an intense year!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pabiro namang tumakbo papunta kay Kim ang iba pang “It’s Showtime” hosts para suportahan at ipagdasal ang kaibigan.

Matapos ang lokohan ay kumanta pa si Vice Ganda ng “Ang buhay ng isang single ay masayang tunay… Masayang tunay… Masayang tunay…”

Matapos ang kanilang kulitan ay naging seryoso na rin si Vice at hiniling na sana’y ibigay kay Kim ang ninanais ng kanyang puso.

“Pero serious ‘yun a. May the Lord give you what your heart desires… whatever it is,” sey ni Vice Ganda.

“Salamat. Thank you… in time,” sagot naman ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nitong December 2023 lang nang kinumpirma ng Kapamilya A-lister na hiwalay na sila ng longtime boyfriend na si Xian Lim.

“Thank you for the almost 12 years of beautiful memories together one can never imagine. You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is,” sey ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending