Vice Ganda hiniritan si Aga Muhlach:Sa Showtime naman si Andres

Vice Ganda hiniritan si Aga Muhlach: Sa Showtime naman si Andres

Therese Arceo |February 06,2024
facebook
share this

Vice Ganda hiniritan si Aga Muhlach: Sa Showtime naman si Andres

Therese Arceo - February 06, 2024 - 08:15 PM

Vice Ganda hiniritan si Aga Muhlach: Sa Showtime naman si Andres

HINIHIRITAN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang aktor na si Aga Muhlach na yayain ang anak nitong si Andres na maging parte ng “It’s Showtime”.

Sa latest vlog ng komedyante na in-upload nitong Linggo, February 4, napag-usapan nila ang naging journey ni Aga sa kanyang buhay sa loob at labas ng mundo ng showbiz.

Natanong ni Vice kung may plano nga bang pumasok sa mundo ng showbiz ang isa pa nitong anak na si Andres.

Ang isa kasi sa kambal na si Atasha ay parte na ng noontime show na “Eat Bulaga” kasama sina Tito Sotto, Joey de Leon, Vic Sotto, Maine Mendoza, Miles Ocampo, at marami pang ibang dabarkads.

“Si Atasha, oh, nasa Eat Bulaga. I-Showtime na natin ‘to si Andres. Para tig-isa silang channel ‘di ba?” hirit ni Vice Ganda kay Aga.

Chika ng Unkabogable Star, nais niyang mapunta sa kanilang show so Andres para madagdagan ang gwapo sa “It’s Showtime”.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Para may guwapo naman du’n bukod kay Ion. Ang tatanda na ng mga kasama ko. Si Vhong ang tanda na. Si Jhong ang tanda na. Si Ogie Alcasid, may gout na,” pabirong sey ni Vice.

“‘Di ba? Sama ka naman sa amin doon oh. Halika Andres… Showtime ka Andres ha?” pagpapatuloy ng komedyante habang kinakausap ang larawan ni Andres.

Hirit pa nga ni Vice, kung sakaling papayag si Andres na maging parte ng “It’s Showtime” ay sila ang magiging mag-partner sa tradisyon nila every anniversary na “Magpasikat”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending