Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

Therese Arceo |November 09,2023
facebook
share this

Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

Therese Arceo - November 09, 2023 - 04:15 PM

Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

Vice Ganda, Billy Crawford, Baby Amari, Coleen Garcia | Screenshot from ABS-CBN It’s Showtime

NAGULAT ang madlang pipol maging ang iba pang “It’s Showtime” hosts nang biglang lumabas ang mag-asawang sina Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang anak na si Amari sa naging “Magpasikat” performance ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kasama sina Jackie at Cianne.

Ngayong araw, November 9, sumentro ang tema ng kanilang performance sa “pangarap”, “healing”, and “forgiveness”.

Habang emosyonal sina Vice, Jackie, at Cianne sa pagkanta kasama ang kani-kanilang mga magulang ay biglang lumabas ang pamilya ni Billy na siyang gumulat at mas lalong nagpataas ng emosyon sa loob ng “Showtime” studio.

Makikita nga sa screen na emosyonal at super happy sina Anne, Karylle, Tyang Amy, Ogie, Vhong, Jhong, at ang iba pang hosts.

Labis ang pasasalamat ni Vice dahil kahit na busy at may taping si Billy para sa kanyang Kapuso program na “The Voice Generations” ay nabigyan niya ng oras na maging special guest sa kanilang performance.

Dito ay inamin ng komedyante na nagkaayos na sila ng kanyang malapit na kaibigan.

Baka Bet Mo: Hugot ni Vice Ganda: Sana dumami pa ang komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagbabahagi ni Vice, “Lingid ho sa kaalaman ninyo, okay na okay na kami ni Billy. Pero hindi kami ‘yung tipong, diba, basta okay kami. Tapos nagte-text kami, hindi namin ‘to napag-uusapan.”

Nang mapanood raw niya ang concept nina Anne na healing ay naisip niyang isama sina Billy sa kanilang performance.

“I think, maganda ‘yung, kung hindi lang natin sinasabi ‘yung salitang “healing” ‘yung ipinaparamdam din natin, para maramdaman nung ibang tao, na hindi lang siya sinasabi, kailangan ginagawa siya at sinisimulan,” sey ni Vice.

Dagdag pa niya, “And Billy’s presence here today, and the madlang people knowing na we are okay, baka mag-inspire ‘to sainyo na mag-heal din, baka it’s about time, baka kaya niyo na rin, diba, na makipag-reconcile, lalong lalo na sa mga taong mahalaga sa inyo.”

Aware naman ang lahat na talagang malapit ang dalawa at ilang taon ring nagsama sa “It’s Showtime”.

“Billy is one very important person sa buhay ko, ‘di ba? ‘Yun ang pinag-uusapan natin nu’ng nakaraan, sabi ko, ‘At the end of the day, you are my best friend, and I love you very much’. Kaya sabi ko, regalo natin ‘to sa madlang pipol, na makita nila tayong magkakasama ulit,” lahad ni Vice.

Chika pa niya, “Sa sobrang kagustuhan niyang magpunta rito, siya talaga ang gumawa ng paraan para naririto siya kasi sabi niya, utang niya to sa madlang pipol. Gusto niya talaga kayong makita.”

Sey naman ni Billy, “Thank you Vice, happy anniversary first of all, to us. Marami akong realizations this past month, kababalik ko lang galing States, at kakakita ko lang kasi ng daddy ko.

“Alam mo ba ang bilin niya sa akin? Is mag-ayos tayo…. Alam niyang may hindi magandang pangyayari ng iilang taon, and nu’ng sinabi ng daddy ko na request niya is part of that, it’s beyond my control. It’s beyond Vice’s control din. I think lahat ng ‘to, it was orchestrated by God.”

Dito nga niya ipinahayag na dapat hindi matutuloy ang kanilang pagpunta sa “It’s Showtime” dahil may taping ito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kaya pinayagan siya na makapag-guest sa performance ni Vice.

“Nahanap ko ang aking asawa, at nabuo ang aking pamilya, nang dahil dito sa programang ito. Para sa akin, it really doesn’t matter kung saan ka, ang importante kasi, eto, lahat ng ito ay iisa lang naman, puro puso, mahal namin ang isa’t isa.

“Lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan, pero at the end of the day, in God’s time, siya na rin ang bahalang mag-aayos. Kaya on my end, I want to say, I’m sorry [Vice],” ani Billy.

Humingi rin ng tawad ang singer-actor sa madlang pipol at mga Kapamilyang manonood.

“I’m sorry madlang pipol, I’m sorry Kapamilya, but myself, nagpapakumbaba lang ako, na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya. And kasama na rin po kayo doon madlang people.

“I really want to thank you everyone for the support and love, amidst sa lahat ng nangyari, but I just wanna say, Vice, I love you,” sey pa ni Billy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa ‘It’s Showtime’, pina-add to cart lahat ng wish ng staff

Vice Ganda sinagot ang netizens kung bakit wala sa top celebrity taxpayers ng 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending