Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa 'It's Showtime', pina-add to cart lahat ng wish ng staff | Bandera

Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa ‘It’s Showtime’, pina-add to cart lahat ng wish ng staff

Alex Brosas |September 24,2023
facebook
share this

Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa ‘It’s Showtime’, pina-add to cart lahat ng wish ng staff

Alex Brosas - September 24, 2023 - 07:14 AM

Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa 'Showtime, pina-add to cart lahat ng wish ng staff

Vice Ganda at ang buong tropa ng ‘It’s Showtime’

GRABE talaga ang pagiging generous ng “It’s Showtime” main host na si Vice Ganda.

September pa lang pero gumanap na bilang Santa Claus ang TV host at namigay ng early Christmas gifts sa mga staff members ng “It’s Showtime.”

Ito raw ang paraan ni Vice Ganda para ipakita ang kanyang appreciation sa mga kasamahan sa kanilang programa dahil sa kanilang pagmamahal sa noontime show.

Sa nabasa naming post sa isang website, bumunot si Vice Ganda ng mga pangalan ng production staff ng kanilang noontime show at hinayaan silang mag-add to cart sa isang online shopping app.

Sky is the limit ang drama ni Vice Ganda, meaning, kahit ano ay puwedeng i-add to cart ng staff.

Of course, since generous naman si Vice Ganda, talagang tinake na ng staff ang opportunity na iyon para makuha ang kanilang dream gadgets.

May isang staff na pumili ng iPhone 14 bilang regalo sa kanya ni Vice Ganda.  Imagine, worth P74,499 lang naman ‘yung cellphone na yun, ha!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


According to the online report, mayroon ding bumili ng “Apple Watch, an Apple iPad worth P75,000, a Samsung Galaxy Flip Z worth P47,990, and a lot more.”

Baka Bet Mo: Marvin Agustin umamin na sa kanyang ‘first love’, true ba na mahigit 40 na ang pag-aaring resto sa Pinas?

Grabe ang generosity ni Vice, ha.  Talagang hindi mo matatawaran.

Sabi nga ni Vice sa interview with the online program “PasaHero” hosted by George Royeca, hindi niya masukat ang kanyang kayamanan ngayon.

In the episode, natanong si Vice Ganda kung gaano na siya kayaman.

“Ang hirap ng tanong na yan. Yan ang tanong na ang dali-daling bitawan pero ang hirap sagutin. Depende siguro kung saan mo sinusukat ‘yong kayamanan na tinutukoy, say ni Vice Ganda.

“Hindi ko alam, pero hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon,” dagdag pa niya.

“Sama-sama na ‘yung tinutukoy na yaman ko, ha. Yaman ng pananalapi, yaman ng kaligayahan sa puso, yaman ng mga naabot na rin na mga pangarap.” Vice said.

“Yaman ng mga taong nakapaligid sa akin. So kung susumahin ko, kapag pinagsama-sama ko yun, hindi ko na alam kung gaano siya kalaki, pero alam kong mayaman na ako,” paliwanag pa ng host ng “It’s Showtime.”

Vice Ganda: ‘Hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah, Matteo ipinag-grocery nang bonggang-bongga ang mga kasamahan nila sa pag-aaring farm sa Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending