Marvin Agustin umamin na sa kanyang 'first love', true ba na mahigit 40 na ang pag-aaring resto sa Pinas? | Bandera

Marvin Agustin umamin na sa kanyang ‘first love’, true ba na mahigit 40 na ang pag-aaring resto sa Pinas?

Ervin Santiago |August 17,2023
facebook
share this

Marvin Agustin umamin na sa kanyang ‘first love’, true ba na mahigit 40 na ang pag-aaring resto sa Pinas?

Ervin Santiago - August 17, 2023 - 06:24 AM

Marvin Agustin umamin na sa kanyang 'first love', true ba na mahigit 40 na ang pag-aaring resto sa Pinas?

Marvin Agustin

UMAMIN na ang actor-businessman na si Marvin Agustin tungkol sa kanyang first love! No, hindi po tao ang tinutukoy niya – kundi ang food business.

Ayon kay Marvin, nasa pagkatao na niya ang “pagkaadik” sa negosyo na may koneksyon sa pagkain at serbisyo dahil bata pa lang siya ay nararamdaman na niya ang kanyang passion para rito.

Napanood namin ang nakaraang episode ng programang “My Puhunan” kung saan ibinahagi ng aktor at dating matinee idol ang naging journey niya bilang isang entrepreneur sa food industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)


“First love ko talaga ang industry na ‘to as early as what, 14 years old. I am already working in the restaurant, in the F and B industry as ‘yun na nga, sabi mo mascot, waiter, taga-hugas ng plato. So, parang, nasa pagkatao mo na,” pagbabahagi ni Marvin.

“Nu’ng naging artista ako though it’s a different world which I also enjoy and learned a lot pero parang hinahanap din ng katawan ko ‘yung hirap at kaligayahan ng isang food business.

“That’s why ‘yun nga kahit nag-aartista na kasama pa rin siya sa plano na gusto kong bumalik sa restaurant,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor at aktres ayaw pang umamin sa relasyon kahit halatang halata na

Nag-aral din daw siya ng culinary arts nang magsimulang mag-venture sa food business, “I want to know what goes on in the restaurant and ang puso ng restaurant ay nasa kusina.

“Kaya sabi ko nu’n though nagluluto na ako nu’n sa bahay, sa mga kaibigan, pero iba ‘yung when you’re speaking with the chefs already.

“You have to speak their language para hindi kayo nalilito. So, I studied culinary so I would understand the kitchen more,” pagse-share pa ng aktor at dating ka-loveteam ni Jolina Magdangal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)


Nagsimula muna siya bilang isang franchisee ng food cart business hanggang sa maging owner na ng sariling restaurant.

“Before the restaurant, cart business nung early 2000s, ‘yun ang uso ang cart business and fried rice and different flavors of rice. Baby steps muna.

“So nag-start ako as a franchisee then nagtayo ako ng concept na cart businesss then nag-invest ako sa restaurant ng kaibigan ko bago ako nag-conceptualize ng sarili kong restaurant.

“Pinagdaanan ko rin siya dahan-dahan hanggang nagkaroon ng lakas ng loob magkaroon ng restaurant,” aniya pa.

Balitang may humigit-kumulang na 40 restaurant nang pag-aari si Marvin, ang ilan dito ay meron siyang mga business partners.

Paris Hilton may pa-’face reveal’ sa kanyang baby, ibinandera ang first family picture

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending