’Nakakaloka ang pagkaadik nina P-noy at Kris sa kulay dilaw!’
INAMIN naman ni Kris Aquino na dala ng kaartehan niya kaya siya naba-bash ngayon. This refers doon sa tweet niya regarding sa nakuha niyang sunburn during an APEC affair sa Intramuros, Manila.
She found her tweet humorous dahil nagmarka ang sunburn sa balat niya in the shape of Batman. Sabi niya ay quits na sila ng taumbayan dala ng hirap ng mga itong makasakay sa bus or tren and had to walk many kilometers bago makarating sa kanilang mga trabaho noong unang araw ng APEC.
“Paanong quits ang pinagsasabi ni Kris? Buti siya sunburn lang ang problema niya samantalang kami ay halos mamatay sa pagod at gutom bago kami makarating sa mga trabaho namin. Sabon pa ang inabot namin sa mga boss namin dahil na-late kami dala ng sobrang traffic at walang masakyan.
Anong parallelism meron doon para sabihin niyang quits? Nag-iisip ba siya?” talak ng isang nakabasa ng tweet ni Kris. “Kasi nga, hindi naman madalas mangyari kay Kris ang maarawan o mainitan kaya big deal na sa kaniya iyon.
Iba kasi ang mundo natin at estado sa buhay kaya tingin niya ay patas na yung nahirapan din siya at nagka-sunburn dahil nabilad siya sa arawan. Nagpa-cute lang siya sa tweet niya thinking that she is like one of us – na naka-experience din ng paghihirap.
Para namang hindi niyo kilala si Kris, very insensitive,” sabi ng isang kakilala namin. Let’s understand Kris, please. Yung weirdness niya ay kaniyang-kaniya lang naman talaga ever since. Iba naman ang take ko dito – iba ang napansin kong hindi ko masyadong nagustuhan.
Not just her but the Aquino administration mismo during the whole APEC summit. Yung pagpilit ng kulay dilaw sa mga paraphernalia nila. Parang gusto nilang ipabatid sa buong mundo that the national color of the country is YELLOW.
Imagine, nu’ng sinundo niya si Mexican President Enrique Nieto ay naka-blaring yellow na damit siya with matching yellow shoes. Sa gitna ng araw ay sobrang tingkad at nakakasilaw kaya ang kulay dilaw. Mapilit lang ang kulay ng mga Aquino kesehodang magmukha siyang syonga sa gitna ng araw.
Ito namang kuya niyang pangulo ay pinilit ding mag-yellow tie sa kaniyang suit. Plus pinagsuot pa nila ng yellow pins ang lahat ng dignitaries. Ano ba naman sila – putting the literal political color sa buong conference. Kaloka!
“Bakit hindi na lang siya nagsuot ng beautiful Filipiniana dress na natural ang color? Why push so much that yellow na sila lang naman ang may gusto? OA talaga ang mag-anak na ito.
“Sabi nga ng ilang kakilala namin nagmukha tuloy cartoon character si P-Noy in his suit with yellow tie. The height of ka-cheapan, di ba? Look at the other dignitaries when they wore barongs – cute, di ba? Kakabaliw sila!” talak ng isa pang kausap namin.
Merong isang lumang picture na na-post sa Facebook kung saan kitang-kita si P-Noy with some dignitaries with a background of some flags kung saan ay baligtad ang pagkapuwesto ng bandila natin — pula ang nasa itaas.
Marami ang nag-react and some blamed P-Noy for not correcting it. Kasi nga, it symbolizes war at mali naman talaga. Hindi man kasalanan ni P-Noy pero this is a major offense sa ating bansa. Dapat ay tsini-check ng mga tauhan nila ang tamang pagpuwesto ng flag natin.
Naging issue ngayon sa FB ito — marami na ang nagtatalo about this. Some say that Pinoys are really faultfinders at gusto lang sirain si P-Noy. Some say naman that this is a great offense for the country when we are not at war.
Alam niyo, hindi man personal na kasalanan ni P-Noy ito pero he has to take full responsibility on this. They have to be very careful with things like this one. Hindi ito something na puwedeng palagpasin kaya next time ay dapat mas maingat tayo lalo’t flag natin ang na-display ng mali.
Baka hindi na-brief ang staff ni P-Noy na kapag ang pula ang nasa itaas ay ibig sabihin ay giyera na. Kasi naman, hindi nag-iingat. Bawi na lang tayo next time, di ba P-Noy?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.