Ice cream na gawa sa ‘sibuyas’ inimbento sa Occidental Mindoro

Ice cream na gawa sa ‘sibuyas’ bonggang inimbento sa Occidental Mindoro

Pauline del Rosario - April 06, 2025 - 03:43 PM

Ice cream na gawa sa ‘sibuyas’ bonggang inimbento sa Occidental Mindoro

PHOTO: Facebook/Tourism San Jose Official

SA mga ayaw kumain ng gulay diyan, mukhang wala ka nang ligtas dahil pati sibuyas, ginawang ice cream!

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA! Tama ang nabasa niyo…gawa sa sibuyas ang ice cream na bagong paandar ng Occidental Mindoro State College (OMSC).

Aba’y hindi ito prank o trip-trip lang sa kusina. 

Serbisyong totoo ito dahil ayon sa OMSC, ginawa nila ang onion ice cream para matulungan ang mga magsasaka tuwing bumabagsak ang presyo ng sibuyas.

Sa pamamagitan ng kanilang Food Processing Center sa College of Agriculture, naimbento nila ang kakaibang eksperimento.

Baka Bet Mo: Hugot ni Juday sa sibuyas: Dati kailangan ka munang hiwain bago maluha, ngayon iniisip pa lang kita, naiiyak na ‘ko sa presyo mo!

Sabi nga ni Arvin Jonathan Flores, ang head researcher sa likod ng makabagong recipe, sa isang interview sa Teleradyo Serbisyo: “Malaking tulong sa mga farmers kapag bumaba ang presyo, kapag meron silang mga produce na hindi marketable yung mga sizes.” 

Kaso siyempre, ang tanong ng bayan: Paano naging ice cream ‘yan, eh ang tapang ng amoy niyan?!

Ang sagot ni Arvin: “Medyo pungent ‘yung sibuyas dahil sa kanyang mga compounds. Through the research activities na ginawa namin, napag-alaman namin na upon heating ng sibuyas, nai-eliminate yung pungent aroma.”

O ‘di ba, ang smart! Hindi ka na iiyak sa sibuyas, baka mapasayaw ka pa sa sarap!

Sa isang Facebook post ng San Jose Tourism Office, ipinakilala ang sweet-sibuyas treat ngayong taon. 

Hindi lang plain onion flavor ang pasabog dahil meron ding Vanilla-Onion, Mango-Onion, at Cookies ‘n Cream na may twist ng sibuyas!

Bukod sa ice cream, may ibang variants din kagaya ng onion pandesal, onion vinegar, onion wine, onion kropek, onion paste, onion powder, at marami pang iba.

So kung sawa ka na sa ube, chocolate at strawberry, push mo na ‘yan –onion ang bagong flavor ng summer!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending