'Ice Cream' nina Barbie at AC pak na pak kay Selena Gomez: Akala ko nga prank lang! | Bandera

‘Ice Cream’ nina Barbie at AC pak na pak kay Selena Gomez: Akala ko nga prank lang!

|September 30,2020
facebook
share this

‘Ice Cream’ nina Barbie at AC pak na pak kay Selena Gomez: Akala ko nga prank lang!

- September 30, 2020 - 02:13 PM

 

FEELING nasa cloud 9 pa rin hanggang ngayon sina Barbie Forteza at AC Bonifacio matapos nilang makuha ang atensyon ng international superstar na si Selena Gomez.

Nakasama kasi ang dalawang Filipina artists sa mga ipinost ni Selena sa kanyang Instagram Stories na gumawa ng dance cover para sa global hit na “Ice Cream”.

Ang “Ice Cream” ay ang kauna-unahang collaboration ng singer-actress sa sikat na sikat ding all-female K-pop group na BLACKPINK.

Hindi makapaniwala ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie nang malamang nakasama siya sa IG Stories ng Hollywood superstar dahil nga sa kanyang “Ice Cream” TikTok paandar.

“Akala ko pa prank or hindi talaga si Selena. Tapos nu’ng unti-unti nang nagsi-sink in sa akin, sobrang kinilig ako. Kasi siyempre, isa sa mga idol ko talaga si Selena Gomez,” chika ni Barbie sa panayam ng GMA.

Aniya pa, “Very interactive talaga siya sa kanyang supporters na napapansin niya ‘yung small efforts namin, mga dance covers ganyan. Talagang ina-acknowledge niya.”
Samantala, hashtag #shookt din ang Kapamilya youngstar na si AC Bonifacio nang makarating sa kanya ang balita na napansin ni Selena ang kanyang “Ice Cream” dance video.

“We got featured on Selena Gomez’s Story! That’s crazy!” ang mensaheng ipinost ni AC sa kanyang social media accounts.

Last August lang ni-release ang “Ice Cream” ni Selena at ng BLACKPINK na kinabibilangan nina Jennie Kim, Jisoo Kim, Rosé (Chaeyoung) Park, at Lalisa “Lisa” Manoban.

Ilang sandali lang pagkatapos mai-release ang kanta, nag-trending at nag-viral agad ito gamit ang hashtag #SELPINKToday. Ang “Selpink” ay ang pinagsamang pangalan ni Selena at ng BLACKPINK.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending