Pope Francis napiling bagong ‘bishop’ mula Diocese of Pagadian

Pope Francis napiling bagong ‘bishop’ si Fr. Timoner ng Diocese of Pagadian

Pauline del Rosario - April 06, 2025 - 04:12 PM

Pope Francis napiling bagong ‘bishop’ si Fr. Timoner ng Diocese of Pagadian

PHOTO: CBCP News

MAY bagong bishop ang Pilipinas na pinili mismo ni Pope Francis!

Siya’y walang iba kundi si Fr. Ronald Anthony Timoner ng Diocese of Pagadian, ayon sa ulat ng INQUIRER.

Ito ay kinumpirma mismo ni Archbishop Martin Jumoad, ang apostolic administrator ng nasabing simbahan.

Si Fr. Timoner na nasa edad 53 ang pumalit sa pwesto ni Bishop Ronald Lunas ng Ozamiz City na pumanaw noong January last year dahil sa heart attack.

Baka Bet Mo: Pope Francis nakauwi na sa Vatican matapos maospital ng 5 linggo

Ang bagong obispo ay laking Camarines Sur at inordinahang maging pari sa Diocese of Daet noong May 1, 1997. 

Ayon kay Archbishop Jumoad, si Fr. Timoner ay nais ma-ordained at ma-consecrated bilang obispo ng Sto. Niño Cathedral sa Pagadian City at para doon na lang manatili.

Ngunit wala pang schedule kung kailan ito gagawin nang mag-usap daw sila sa isang pagpupulong sa Maynila.

Ang bagong bishop ay maglilingkod sa 30 parokya sa ilalim ng nasabing diocese.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending