Ikatlong Pinoy bishop sa Amerika itinalaga ni Pope Francis
HINIRANG ni Pope Francis bilang “auxiliary bishop” ng Diocese of El Paco si Msgr. Anthony Celino.
Dahil diyan, siya ang ikatlong Filipino-American bishop ng Simbahang Katoliko ng United States.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Father Anthony ang magiging kauna-unahang auxiliary bishop sa El Paco sa Texas mula nang itinatag ito noong 1914.
Lahad pa sa inilabas na pahayag ng CBCP, “He brings a unique experience as a Filipino immigrant serving our border community as a priest for the past 25 years, a steadfast dedication to pastoral ministry, and fidelity to the Gospel.”
Ang ordination ng bishop-elect ay mangyayari sa St. Patrick Cathedral sa Amerika sa darating na March 31.
Para sa kaalaman ng marami, isang Pinoy immigrant si Father Anthony na tubong Pangasinan at kasalukuyan siyang pari ng St. Raphael Paris na nasa El Paso.
Nagtungo siya papuntang Amerika matapos grumaduate sa kursong philosophy sa Mary Help of Christians Seminary sa Dagupan City noong 1993.
Nag-aral naman siya ng kursong theology sa University of Saint Mary of the Lake sa Illinois, U.S. at naging ganap na pastor noong 1997.
Ang dalawa pang Pinoy bishops sa Amerika ay sina Bishop Oscar Solis ng Salt Lake City at Auxiliary Bishop Alejandro Aclan na nasa Los Angeles.
Read more:
2 Pilipino binigyan ni Pope Francis ng mahalagang misyon sa Oceania, Holy Land
Paco nagluluksa rin sa pagpanaw ng nanay ni Geneva: Goodbye Mama…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.