CBCP nanawagan ng dasal para kay Pope Francis

CBCP nanawagan ng dasal para kay Pope Francis: ‘Let’s storm heaven…’

Pauline del Rosario - February 24, 2025 - 11:34 AM

CBCP nanawagan ng dasal para kay Pope Francis: 'Let's storm heaven...'

Pope Francis

IPAGPATULOY ang panalangin para kay Pope Francis!

‘Yan ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko nitong Linggo, February 23, habang nasa kritikal na kondisyon ang Santo Papa.

“Let us continue to pray for Pope Francis,” sey ng CBCP sa isang Facebook post, kung saan ibinahagi rin nila ang pinakabagong update mula sa Holy See Press Office tungkol sa kalagayan ng 88-anyos na pinuno ng Simbahang Katoliko.

Ayon sa Vatican, “The Holy Father has spent a peaceful night.”

“The night passed uneventfully, the Pope rested,” saad sa update.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Pinangungunahan nina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Pablo Virgilio David ang vigil prayers sa Pilipinas para sa paggaling ni Pope Francis.

Kasama ang dalawa sa 138 na kardinal na wala pang 80 years old at may karapatang bumoto sa conclave kung sakaling magkaroon ng bagong halal na Santo Papa.

Pinangunahan ni Cardinal David ang isang misa para kay Pope Francis sa Cathedral of San Roque sa Caloocan City nitong Huwebes ng gabi.

“May I ask for your prayers for his healing and recovery during this challenging time,” saad ni David na kasalukuyang presidente rin ng CBCP.

Samantala, pinangunahan naman ni Cardinal Advincula ang “Holy Hour for the Healing of Pope Francis” sa Manila Cathedral nitong Biyernes, February 21, bisperas ng Feast of the Chair of St. Peter na itinuturing na unang Santo Papa ng Simbahang Katoliko.

“Let us storm heaven with our supplications. Let us accompany Pope Francis with our loving prayers and entrust him to the Lord’s healing hand as well as his doctors, nurses, and medical professionals,” lahad ni Advincula sa isang circular na inilabas noong Huwebes, February 20.

Aniya pa, “Time and again, we have witnessed the power of praying together as a family and community.”

Recently lamang nang ibinalita ng Vatican na naging kritikal ang health condition ni Pope Francis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay matapos siyang atakihin ng matinding hika habang ginagamot ang pulmonya at kumplikadong impeksyon sa baga.

Nabanggit din sa statement na mas malubha umano ang nararamdamang sakit ngayon ng pontiff kumpara sa nagdaang araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending