ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Pauline del Rosario - February 23, 2025 - 04:33 PM

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Pope Francis, candidates for new pope

HABANG patuloy na nagpapagaling si Pope Francis sa ospital dahil sa matinding pneumonia at ilang komplikasyon, marami ang nagtatanong: Sino kaya ang susunod na Santo Papa ng Simbahang Katoliko?

Si Pope Francis, 88 taong gulang, ay naospital noong February 14 matapos magkaroon ng pneumonia sa parehong baga.

Dahil dito, muling napag-usapan ang proseso ng pagpili ng bagong pinuno ng Vatican sakaling hindi na niya magampanan ang kanyang tungkulin.

Paano pinipili ang isang Santo Papa?

Ang pagpili ng bagong Santo Papa ay isang komplikadong proseso, ayon sa mga nabasa namin mula sa international news websites.

Ang tradisyon ay naglilimita lamang sa 253 cardinals mula sa iba’t ibang panig ng mundo bilang mga opisyal na kandidato.

Baka Bet Mo: Pope Francis sa sakit na pneumonia: ‘I might not make it this time’

Sa kasalukuyan, 138 sa kanila ang may posibilidad na mahalal.

Magkikita-kita ang mga kardinal sa Vatican kapag pumanaw o nagbitiw sa tungkulin ang Santo Papa.

Ang proseso ng pagboto ay tinatawag na “conclave,” at ito ay isinasagawa sa loob ng Sistine Chapel.

Magkakaroon ng iba’t ibang round ng botohan, at ang mga qualified na kardinal ay dapat wala pang 80 years old.

Kilalanin ang ilan sa mga kandidato

Cardinal Pietro Parolin (70, Italy)

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Cardinal Pietro Parolin

Si Parolin ang kasalukuyang Secretary of State ng Vatican at itinuturing na pinakapaboritong kandidato.

Sa loob ng 11 years, naging malapit siya kay Pope Francis at sinasabing siya ang magpapatuloy ng mga reporma nito.

Hindi siya mahigpit na konserbatibo o liberal, kaya’t tinatawag siyang isang moderate na lider sa Simbahan.

Cardinal Fridolin Ambongo Besungu (65, Democratic Republic of the Congo)

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Cardinal Fridolin Ambongo Besungu

Si Besungu ay isang konserbatibong lider ng Simbahan mula sa Africa.

Isa siya sa mga tumutol sa doktrinang Fiducia Supplicans ni Pope Francis na nagpapahintulot sa mga pari na bigyan ng basbas ang same-sex at hindi kasal na magkasintahan.

Cardinal Luis Antonio Tagle (67, Pilipinas)

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Cardinal Luis Antonio Tagle

Si Cardinal Tagle ang magiging kauna-unahang Asyanong Santo Papa kung siya ang mapipili.

Kilala siya sa kanyang malambot na puso sa mga isyu ng LGBTQ+, mga diborsiyado, at muling nag-asawang Katoliko.

Sa kasalukuyan, siya ang Pro-Prefect para sa Evangelization sa Vatican.

Cardinal Raymond Burke (76, USA)

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Cardinal Raymond Burke

Si Cardinal Burke ang pinaka-kilalang Amerikanong kandidato na isa sa matinding tagasuporta ng Latin Mass at mahigpit na kalaban ng mga liberal na patakaran ni Pope Francis.

Pinuna niya ang pagbibigay ng komunyon sa mga diborsiyado at sumusuporta sa abortion.

Pero dahil sa kanyang edad, mas mababa ang tiyansa niyang mahalal.

Cardinal Peter Erdö (72, Hungary)

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Cardinal Peter Erdö

Si Erdö ay isang Marian devotee, na ang ibig sabihin ay nakatuon ang kanyang pananampalataya kay Birheng Maria.

Kilala siya sa kanyang matibay na paninindigan laban sa pagbibigay ng komunyon sa mga muling nag-asawa.

Kontrobersyal din ang kanyang pananaw sa mga refugee na ikinumpara niya sa human trafficking.

Cardinal Matteo Zuppi (69, Italy)

ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Cardinal Matteo Zuppi

Isa sa mga paborito ni Pope Francis si Zuppi na may malawak na karanasan sa diplomacy.

Isa siya sa mga ipinadala sa Ukraine para sa peace mission at nakipagpulong siya kay US President Joe Biden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pa maging kardinal, nagsulat na siya ng isang aklat na nagpapakita ng mas positibong pananaw sa LGBTQ+ community.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending