Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami | Bandera

Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami

Pauline del Rosario |March 17,2023
facebook
share this

Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami

Pauline del Rosario - March 17, 2023 - 10:31 AM

Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami

PHOTO: Instagram/@kylieverzosa

UMAMIN ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa na may namagitan sa kanila ng aktor na si Marco Gumabao.

Ang pagbubunyag ay matapos siyang tanungin ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk.”

Deretsahan siyang tinanong ni Tito Boy kung nag-date ba sila ni Marco bago maging sila ng ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

Sinagot naman ito ni Kylie at sinabing sinubukan nila ito ngunit hindi nag-work out.

“Siguro, a long time before Jake, long way before Jake — mga two years ago. We tried. We tried it out, but we were…bata pa kami nun eh,” sey ng beauty queen.

Gayunpaman ay nanatili raw silang mabuting magkaibigan.

Baka Bet Mo: Kylie agree na may ‘K’ manalo ng major award si Herlene sa Bb. Pilipinas 2022; bibida sa pelikula tungkol sa ‘Sugar Babies’

Chika ni Kylie, “But we remained very good friends. Happy ako sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay niya.”

Patuloy niya, “I’ve seen him grow as an actor, as a person. Nagka-catch up pa rin kami. So yeah, we remain very good friends.”

Nabanggit din ni Kylie sa interview na hindi pa sila nakakapag-usap ni Jake matapos ang isang taong hiwalay.

“I know it’s been a long time pero siguro in time. Only time will tell kung we’re able to already see each other in a very friends setting,” sagot niya kay Tito Boy nang tanungin siya tungkol dito.

Dagdag pa niya, “Ayoko siyang pilitin pero darating ang panahon when we’ll meet each other and maybe, who knows? Time will only tell.”

Matatandaang Abril noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Jake na hiwalay na sila ni Kylie matapos ang tatlong taong relasyon.

Nilinaw naman ng aktor na maganda naman ang kanilang paghihiwalay at wala silang galit sa isa’t-isa.

Sa kasalukuyan, katambal ni Kylie si Marco sa pelikulang “Baby Boy Baby Girl” na nakatakdang ipalabas sa March 22.

Related Chika:

Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending