Marco umamin na sa tunay na 'relasyon' nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago 'chinurva' si Kylie Bandera

Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie

Ervin Santiago |October 26,2021
share this

Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie

Ervin Santiago October 26, 2021 - 11:54 AM

Ivana Alawi, Marco Gumabao at Kylie Verzosa

DIRETSAHAN nang sinagot ng Kapamilya hunk actor na si Marco Gumabao ang tanong ng madlang pipol kung magdyowa nga ba sila ni Ivana Alawi.

Nagsimula ang chika na nagkakamabutihan na ang dalawa nang mag-viral sa social media ang  luma nilang video na kuha sa isang videoke bar.

Nu’ng unang matanong si Marco tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng sexy actress at vlogger sa presscon ng teleserye nila ni Julia Barretto na “Di Na Muli”, sinabi ng binata na maligaya ang puso niya pero hindi kinumpirma o dinenay kung sila na ni Ivana. 

Sa ginanap na virtual mediacon para sa bagong movie ni Marco sa Viva Films na “My Husband, My Lover” muli siyang natanong tungkol sa “relasyon” nila ni Ivana.

“Basically, we’ve been friends for more than a year. Magkakabarkada po talaga kami and, at the same time, we really are close.

“But we’re just friends so I know marami ang naiintriga sa video, but magkakaibigan lang po talaga kami,” sagot ng binata.

Ivana Alawi, Marco Gumabao magdyowa na nga ba?


Ipinagdiinan din ni Marco na wala siyang girlfriend ngayon at single na single kaya naman nakiusap siya sa publiko na huwag na silang gawan ng isyu ni Ivana.

Samantala, sa trailer pa lang ng Vivamax original na “My Husband, My Lover”, umaatikabong sex scenes na ni Marco kasama ang leading lady niyang si Kylie Verzosa ang ipinakita.

Para sa hunk actor, ito na raw ang pinakamatinding sexy movie na nagawa niya mula nang magsimula siya sa showbiz in terms of halikan at love scenes.

Dito, pumayag daw si Marco na maghubo’t hubad sa isang eksena kung saan nakatayo silang nagse-sex ni Kylie. 

Chika ni Marco, dahil nga sa mga sensitibong eksena nila ng beauty queen-actress sa movie talagang nagpasintabi at hiningi niya ang permiso ng boyfriend nitong si Jake Cuenca.

“When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin.

“Nagpaalam ako kay Jake. As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam.

“Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.

“I had to ask him for his blessing kasi kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya.

“And sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’ Sobrang laking tulong sa akin nun, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit.

“I needed that go signal from Jake para matodo namin yung mga eksena,” paliwanag ni Marco.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending