Kylie Verzosa sa bantang demanda dahil sa malisyosong headline: 'Ginawa ko 'yun para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganu'n' | Bandera

Kylie Verzosa sa bantang demanda dahil sa malisyosong headline: ‘Ginawa ko ‘yun para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganu’n’

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Kylie Verzosa sa bantang demanda dahil sa malisyosong headline: ‘Ginawa ko ‘yun para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganu’n’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 06:13 AM

Kylie Verzosa sa bantang demanda dahil sa malisyosong headline: 'Ginawa ko 'yun para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganu'n'

Kylie Verzosa

“GINAWA ko ‘yun para tumigil na.” Ito ang ipinagdiinan ni Miss International 2016 Kylie Verzosa nang matanong tungkol sa balitang plano niyang idemanda ang isang online website.

Ito’y nag-ugat sa headline na ginamit sa isang artikulo kung saan tinawag si Kylie na “parang tuyot at retokada.” Sinagot naman ito ng aktres sa pamamagitan ng Twitter. Aniya, “These headlines are terrible! Calling my lawyer.”

Sa guesting ng dalaga sa “Fast Talk with Boy Abunda”, isa ito sa mga natanong sa kanya. Inamin ni Kylie na talagang napikon at nabastusan na siya sa title ng naturang article.

Ayon kay Kylie, ilang beses na raw siyang nakabasa ng ganu’ng klase ng headline kaya nagdesisyon na siyang patulan ito at sinabing nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado hinggil dito.

“Ako Tito Boy, ginawa ko ‘yun para tumigil na, para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganoon not only to me but to other people as well,” paglilinaw ni Kylie.

“And you know in the states when you write about a woman like that, it’s very… parang ipapasarado na ‘yung (company),” dugtong ng aktres. Hindi naman niya nabanggit kung may plano ba talaga siyang kasuhan ang nasabing website.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Sunod na tanong ni Tito Boy kay Kylie, “May inseguridad ka pa ba? Napipikon ka pa sa mga ganoon?”

Tugon ng aktres, “Tito Boy it’s not about the headline, they have called me many things [but] it’s a number of times na they keep on doing it, in a week, seven days in a row, three times a day.”

Baka Bet Mo: Trina Candaza umalma sa headline tungkol sa paghihiwalay nila ni Carlo Aquino

Hiningan din siya ng mensahe para sa mga kabataang humahanga at patuloy na sumuporta sa kanya mula noong magsimula siya sa Beauty pageant hanggang ngayong isa na siyang award-winning actress.

“Just be yourself. Ako, at this point in my life, I’ve learned to be surround myself with people who just support me and ako mas binabantayan ko kung sino ‘yung pinapapasok ko sa buhay ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


“Maraming tao sa buhay ko pero I’m very protective of my boundaries and I’m very protective of who I spend my time with, I spend my energy with, kasi I have dreams and goals and I want the people who I surround myself with to push me towards where I’m going,” sey pa ni Kylie.

Samantala, inamin din ng dalaga na mula nang maghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca ay hindi pa sila nagkakausap.

Tanong sa kanya ni Tito Boy kung nagkaroon na sila ng komunikasyon ng aktor makalipas ang halos isang taon mula nang mag-break sila, “No, Tito Boy.”

“I know it’s been a long time, pero siguro in time, only time will tell if we’re able to see each other in a very friendly setting,” pagpapatuloy ng aktres.

Reaksyon ng TV host, “Okay. Huwag pilitin din.”

“Ako, ayokong pilitin pero darating din ang panahon when we’ll meet each other and maybe who knows time will only tell,” sey uli ni Kylie.

Joshua Garcia biglang tumigil sa pagba-vlog: ‘Ang baduy ko naman dito, bakit ko ba ginawa ‘to?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya handa nang pasukin ang showbiz; tuloy ang pagtulong sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending