Trina Candaza umalma sa headline tungkol sa paghihiwalay nila ni Carlo Aquino | Bandera

Trina Candaza umalma sa headline tungkol sa paghihiwalay nila ni Carlo Aquino

Therese Arceo |April 06,2022
facebook
share this

Trina Candaza umalma sa headline tungkol sa paghihiwalay nila ni Carlo Aquino

Therese Arceo - April 06, 2022 - 03:37 PM

Trina Candaza umalma sa headline tungkol sa paghihiwalay nila ni Carlo Aquino
HINDI napigilan mag-react ng model at vlogger na si Trina Candaza patungkol sa isang article ukol sa kanilang paghihiwalay ng aktor na si Carlo Aquino.

Naglabasan na kasi ang balita ng kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay matapos ang naganap na face-to-face mediacon ng aktor para sa kanyang series na “How To Move On in 30 Days”.

Dito ay tuluyan nang tinuldukan ni Carlo ang espekulasyon ukol sa relasyon nila ni Trina at kinumpirma na naghiwalay na nga sila noong Enero 2022.

Matatandaang sa parehas na buwan nang umalis ang model-vlogger sa kanilang tirahan ng aktor at lumipat sa isang condo unit kasama ang kanilang anak na si Mithi.

At matapos nga ang pag-amin ni Carlo ay maraming mga entertainment sites ang nagsulat nito at isa na nga ang ABS-CBN News.

Base kasi sa headline ng article ay si Carlo ang nakipaghiwalay kay Trina bagay na kanyang inalmahan.

Comment ni Trina, “ABS-CBN News paki-ayos po headline.”

Dagdag pa niya, “Parang wala naman po kasi sinabi si carlo na siya ang nakipag hiwalay, sa pag kaka alala ko po parang baligtad.”

Marami namang mga netizens ang nag-reply sa naturang comment para itanong kay Trina kung ano ba ang naging rason ng kanilang paghihiwalay.

May ilan naman na natawa dahil sa tila pang-ookray ng model-vlogger sa comment section.

Pero may ilan rin na looking forward na sana ay maging okay muli ang relasyon ng dalawa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

“I think hindi na important kung sino nakipaghiwalay. Both siguro failed po. Sana maayos pa ninyo,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Hindi naman natin alam kung ano totoo sa hiwalayan nila, huwag natin silang husgahan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay “cannot be found” na ang naturang article kung saan nag-comment si Trina.

Related Chika:
Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Carlo sa pagmu-move on: Walang timeline, proseso ‘yan hanggang sa mawala na lang…OK next!?

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending