outbrain

Angeline proud retokada: nagpa-lipo, bawas-boobs, inayos ang mata, nag-gluta

By Ervin Santiago July 31,2020
share this

Angeline proud retokada: nagpa-lipo, bawas-boobs, inayos ang mata, nag-gluta

By Ervin Santiago July 31,2020 - 03:48 PM

 

INISA-ISA ni Angeline Quinto ang mga ipinaretoke niya sa kanyang mukha at katawan.

Inamin ng Kapamilya singer-actress na bukod sa pagpapa-liposuction ay nagpabawas din siya ng boobs dahil nabibigatan na siya sa mga ito.

Sa kanyang Instagram page, in-enumarate ng dalaga ang mga pinagdaanan niyang cosmetic surgery para ma-achieve ang pinapangarap na aura.

Ilan sa mga ipinagawa niya ay ang eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, glutathione at breast reduction.

Hindi raw totoo na pati ilong niya ay retokado pero inamin niyang nagtanong na siya noon tungkol dito pero hindi na niya kinarir.

“Nose surgery X. Hindi q po ginawa yan pero nagpa consult po aq noon hindi q po tinuloy,” sabi pa ni Angeline sa caption na inilagay niya sa kanyang IG photo.

Ibinandera pa niya sa bandang huli ng kanyang post na, “Proud Retokada Here” with matching heart emoji.

Bago ito, nagpahayag na ang dalaga na hindi niya itinatago o ikinahihiya ang pagiging retokada. Sa isa pa niyang IG post, sinabi niyang hangga’t may pambayad siya at walang inaapakang ibang tao, patuloy siyang magpaparetoke.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi.

“Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad.
“Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho. #RetokePaMore,” sabi pa ni Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending