Angeline Quinto isinilang na ang ika-2 anak na si Baby Sylvia

Angeline isinilang na ang ika-2 anak nila ni Nonrev na si Baby Sylvia

Ervin Santiago - August 14, 2024 - 02:18 PM

Angeline isinilang na ang 2nd baby nila ni Nonrev na si Baby Sylvia

Angeline Quinto kasama sina Baby Sylvio at Baby Sylvia

NANGANAK na ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa second baby nila ng non-showbiz husband niyang si Nonrev Daquina.

Ngayong araw, August 14, isinilang ng biriterang singer ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Azena Sylvia Daquina, sa isang ospital sa Taguig City.

Base sa ulat, ang second baby ni Angge ay may timbang na 6.5 lbs nang isilang ito sa St. Luke’s Hospital, Bonifacio Global City.

Baka Bet Mo: Diabetes ng kapatid ni Ivana Alawi na si Mona lumala, pwedeng magkakumplikasyon sa utak

Ang Kreative Talent Management, na siyang nangangalaga ng career ni Angeline ang nag-post ng black and white photo ng singer-actress na kuha sa ospital.

Nito lamang nagdaang May, 2024 ibinandera nina Angeline at Nonrev na madadagdagan na ang miyembro ng kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Noong July 5, ibinalita ni Angeline sa pamamagitan ng isang vlog na na-diagnose siya ng gestational diabetes, “Nakausap ko ‘yung OB and paliwanag niya ‘yung mga naging result ng lab test na ginawa ko…

Baka Bet Mo: Angeline sa pagpapakasal sa Quiapo Church: ‘Matagal ko nang pinapangarap’

“Nakakalungkot kasi nga mayroon daw akong gestational diabetes. Siguro raw dahil sa lifestyle, sa pagkain ko,” aniya.

Ayon sa Cleveland Clinic, “Gestational diabetes is a type of diabetes that develops in pregnancy when blood sugar levels get too high.”

Matatandaang ikinasal ang mag-asawa  sa Quiapo Church sa Maynila nitong buwan ng Abril. Isinilang ang kanilang panganay na si Sylvio noong April, 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isinunod ni Angge ang name ni Sylvio sa yumaong adoptive mother na si Mama Bob, na ang tunay na pangalan ay Sylvia Quinto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending