Angeline Quinto engaged na kay Nonrev Daquina: It’s time to write a different story... Bandera

Angeline Quinto engaged na kay Nonrev Daquina: It’s time to write a different story…

Ervin Santiago |September 25,2022
share this

Angeline Quinto engaged na kay Nonrev Daquina: It’s time to write a different story…

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 02:51 PM

Nonrev Daquina, Angeline Quinto at baby Sylvio

CONFIRMED! Engaged na ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz partner at tatay ng anak niyang si Baby Sylvio.

Ibinandera ni Angeline ang engagement nila ni Nonrev Daquina sa kanyang concert sa Amerika na ikinatuwa naman ng audience.

“Espesyal ang gabing ito ngayon for me, para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon-to-be mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiancé ay nandiyan,” ang bahagi ng pahayag ng celebrity mommy sa kanyang US concert.

Sigawan at palakpakan naman ang mga kababayan nating nasa Amerika na talagang gumastos at nag-effort para lang mapanood uli si Angeline sa isang live concert.

Bukod dito, nagparamdam din ang singer-actress sa Instagram stories tungkol sa kanyang “status” nang banggitin niya ang salitang “fiancée.”

“It’s time to write a different story. Fiance’. Fiancee.’” ang pahayag ni Angeline.

Nagsimula ang relasyon nina Angeline at Nonrev noong 2020 at nito lamang Abril ay isinilang na ng singer ang panganay nilang anak na si Baby Sylvio.

Wala pang formal announcement ang live-in partners tungkol sa naganap na proposal at engagement.

Sa isang panayam, sinabi ng Kapamilya singer na wala pa talaga silang balak ni Nonrev na magpakasal dahil mas gusto nilang i-prioritize ang kanilang anak.


“Kapag kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon na muna. 

“Ngayon, ang pinaka-priority ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre magpapasalamat ako,” sabi ni Angeline.

Nasa Amerika pa rin ngayon si Angeline para sa kanyang “10Q US-Canada” kasama sina Bugoy Drilon, Michael Pangilinan at Daryl Ong. 

Angeline umaming siya ang unang nag-‘I love you’ kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko…

Angeline sumabak agad sa trabaho matapos manganak: Ang daming bayarin at nakatutok talaga ako kay Baby Sylvio

Zeinab Harake super happy sa piling ng bagong dyowa; todo pasalamat sa pagmamahal, tiwala ni Rhea Tan

Baby nina Angeline at Nonrev bininyagan na; Vice Ganda, Erik, Richard, K Brosas present bilang ninong at ninang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending