Angeline na-‘stress’ dahil sa Gestational Diabetes, agad nag-iba ng lifestyle
NALOKA ang singer-actress na si Angeline Quinto matapos makita ang kanyang laboratory results kamakailan lang.
Ang findings kasi sa kanya, mayroon siyang Gestational Diabetes.
Aminado si Angeline na na-stress siya dahil naisip niya agad kung ano ang magiging epekto nito sa ipinagbubuntis niyang second baby nila ng non-showbiz husband na si Nonrev Daquina.
“Siguro sa lifestyle, lalo na sa pagkain ko,” sey ng singer na kung bakit siya nagkaroon ng ganung kondisyon na ibinandera niya sa kanyang YouTube channel.
Wika pa niya, “Aminado naman ako na parang medyo wala akong control ngayon [sa pagkain], lalo na ang dami ko ring ginagawang work out-of-town tapos dito sa Manila.”
Baka Bet Mo: Sam Milby inatake ng type 2 diabetes, inakalang super healthy ang body
Pero ano nga ba ang Gestational Diabetes?
Ayon sa academic medical center na Mayo Clinic, ito ay isang uri ng diabetes na nade-develop during pregnancy.
“Like other types of diabetes, gestational diabetes affects how your cells use sugar (glucose). Gestational diabetes causes high blood sugar that can affect your pregnancy and your baby’s health,” paliwanag pa.
At para nga mapanatili ng singer ang kalusugan ng kanyang anak, agad na siyang nag-iba ng lifestyle –kagaya ng pag-iwas sa mga matatamis at ilang pagkain na makakasama sa kanya.
“Nakakalungkot lang kasi sabi niya [ng doktor] na pwedeng makaapekto kay baby, so dapat kailangan ko nang magbago ng lifestyle…Kailangan ko nang magbago kasi jusko ang lakas ko kasi sa kanin,” wika ni Angeline.
Patuloy niya, “Basta disiplina lang at siyempre para kay baby talaga. Na-stress ako.”
Ipinakita rin ng singer-actress ang pagpunta niya sa Nutritionist upang ma-monitor ang mga pagkain niya.
Ipinakita niya sa vlog ang ikinabit sa likod ng kanyang braso, ang Continuous Glucose Monitors (CGM).
“Para namo-monitor natin lagi at agad-agad ‘yung sugar natin kung mataas o mababa or kung name-maintain ang tamang sugar na kailangan,” esplika ng celebrity mom.
Inihayag din ni Angeline ang lubos na pasasalamat niya sa mister dahil patuloy siyang sinusuportahan, inaalalayan at inaalagaan.
“Natutuwa naman ako kasi si Nonrev ay very supportive na husband sa akin kasi matagal na siyang nagte-take ng quinoa, hindi na siya masyadong nagwa-white rice…Kasi medyo nawalan din ako ng kontrol nitong mga nakaraan, lalo na naglilihi ako. Ang dami kong kinakain kaya siguro nagkaroon ako ng Gestational Diabetes,” aniya pa.
Sa mga sumunod na clips, ipinakita na niya ang ilan sa mga healthy food na kanyang kinakain kagaya ng sinigang na bangus, overnight oatmeal at dried fruits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.