Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya! | Bandera

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Ervin Santiago |September 19,2021
facebook
share this

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Ervin Santiago - September 19, 2021 - 08:54 AM

Kylie Verzosa at Jake Cuenca

WALANG kaisyu-isyu kay Jake Quenca ang pagpapakita ng katawan at pakikipag-love scene ng kanyang girlfriend na si Kylie Verzosa sa mga ginagawa nitong pelikula.

Kaya naman nagpapasalamat ang beauty queen-actress sa award-winning actor dahil sa 100% support na ibinibigay nito sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Kylie, isa rin si Jake sa mga inspirasyon niya sa paggawa ng mga sexy movies tulad ng launching film niyang “The Housemaid”, idagdag pa ang bago niyang pelikula na “Bekis On The Run” kasama sina Diego Loyzaga at Christian Bables.

“Kasi nakikita ko si Jake and his dedication to his craft and parang nakaka-inspire din na gusto ko rin maging katulad niya and iba kasi yung dedication niya sa mga role niya. 

“Pero masasabi ko naman din na nu’ng pag-prepare ko sa Housemaid ganu’n din ako ka-dedicated or parang hindi na niya ako kailangan pagsabihan na aralin ko na.

“Dahil sa love ko yung project, ako na lang yung gumagawa sa pag-prepare ng role. Na-admire ko talaga siya when it comes to that,” paliwanag ng aktres.

Bilib din daw siya sa tapang ni Jake sa paggawa ng sex scenes, “Very professional niya kasi gumawa ng mga intimate scenes. And naka-work ko na si Jake with mga intimate scenes. 

“Naramdaman ko talaga na professional talaga siya and trabaho talaga yun ng actor and hindi yun yung highlight kundi kung anong mangyayari after or before. Journey kasi yun ng character na kailangan pagdaanan. So siguro yun yung natuturo niya sa akin.

“Happy ako na supportive yung boyfriend ko kasi naranasan ko na rin na kapag hindi supportive, mahirap talaga siya pag-uwi mo sa bahay, ganyan. 

“Happy talaga ako na supportive yung boyfriend and in this industry, you really need a good support system pag-uwi mo sa bahay kasi mabigat na nga yung eksena, mabigat pa sa bahay alam mo yun. So happy ako na very supportive talaga siya sa career ko,” paliwanag ng dalaga.

* * *

Mapapanood na sa Philippine TV ang isa sa top-rating dramas ng South Korea sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na “Mr. Queen” simula sa Lunes, Sept. 20 sa GMA Telebabad. 

Ang “Mr. Queen” ay isa sa most talked-about and highest-rated dramas sa South Korea ngayong 2021 dahil sa natatangi nitong kuwento at nakakaaliw na characters. 

Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Shin Hye-Sun bilang Kim So-Yong, Kim Jung-Hyun bilang Cheoljong, Choi Jin-Hyuk bilang Byron, Na In-Woo bilang Kim Byeong-In, at Seol In-Ah bilang Jo Hwa-Jin.

Sa modernong panahon, si Byron ay isang chef na nagtatrabaho sa Blue House. Isang araw natagpuan niya ang kanyang sarili sa katawan ng reyna na si Kim So-Yong sa panahon ng Joseon.

Ang mga tao sa paligid ng reyna ay naguguluhan sa kanyang biglaang pagbabago kasama na si Haring Cheoljong. Ang pagbabagong ito sa ugali ni Reyna So-Yong ay pumukaw sa interes ng hari at nagsimula siyang mabighani as reyna. Sa paglipas ng panahon ay matutuklasan ni So-Yong ang mga lihim sa palasyo. 

Sa kanyang bagong buhay, paano makakahanap ng balanse si Byron upang makabalik sa kasalukuyan habang tinutupad pa rin ang tungkulin niya bilang reyna at asawa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palalampasin ang “Mr. Queen”, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending