Kilalang aktor at aktres ayaw pang umamin sa relasyon kahit halatang halata na | Bandera

Kilalang aktor at aktres ayaw pang umamin sa relasyon kahit halatang halata na

Reggee Bonoan |February 04,2022
facebook
share this

Kilalang aktor at aktres ayaw pang umamin sa relasyon kahit halatang halata na

Reggee Bonoan - February 04, 2022 - 07:48 PM

Kilalang aktres at aktor ayaw pang umamin sa relasyon kahit halatang halata na

TINANONG kami ng kaibigan naming nasa ibang bansa kung umamin nang magkarelasyon ang kilalang aktor at aktres dahil sa bansa nila ay putok na ang balitang sila na.

May common friend ang kaibigan naming nasa showbiz at lagi silang nagkaka-tsikahan na tatlong beses sa isang linggo.

“Ano hindi pa ba umaamin sina (aktor at aktres)? Putok na balita rito, saka alam ko diyan din daw alam na hindi na lang napag-uusapan,” bungat ng kaibigan namin na talagang tumawag pa.

Sabi namin na tinutukso naman na sila at parehong may spark ang mga mata kapag napag-uuapan sila pero walang sinasabi kung sila na o hindi pa.

“Baka sa next project nila aamin sila?” tumatawang sabi ng kausap.

Sina aktor at aktres ay parehong malambing sa isa’t isa at isa rin kami sa naniniwalang sila na talaga na ikinatataka lang din namin kung bakit hindi pa nila inaamin, e, halata namang gusto nila ang isa’t isa.

Bigla tuloy namin naalala ang tsika sa amin na sadyang hindi agad umaamin ang aktres sa bago niyang karelasyon kapag nahiwalay sa dating boyfriend dahil ayaw niyang masabihang mabilis magpalit ng dyowa.

Less than a year bago umamin si aktres na may boyfriend na siya na mas higit sa dating dyowang aktor din. At kung ito ang babasehan ay alam na hindi muna aamin ang girl dahil ilang buwan palang naman silang hiwalay ng dati niyang karelasyon.

Maraming kunuwento ang aming kaibigan na kuwento rin ng common friend namin tungkol sa aktor at aktres na wait na lang nating umamin ang dalawa.

“Mabubuking kasi kung sino nagkuwento kapag sinulat mo kasi dalawang tao lang ang nakakaalam ang manager at si (executive ng network).

“Ang suwerte ni (aktres), parehong guwapo ang ex at present, pero parang mas responsible ang ex lalo na sa family niya,” say ng kausap namin.

Parang okay at responsible rin ang present boyfriend dahil marami itong natutulungang tao hindi lang nababalita at may sarili siyang business na nabigyan niya ng trabaho.

‘Yun lang itong si present ay parang wala pa sa isip niya ang magpakasal kasi nage-enjoy siya being single pero may ka-mingle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kilalang aktres pinagbawalang magkuwento tungkol sa negosyanteng dyowa
Kilalang aktres na may YouTube channel, ayaw makipag-collab sa kapwa artista

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending