Kilalang aktres pinagbawalang magkuwento tungkol sa negosyanteng dyowa | Bandera

Kilalang aktres pinagbawalang magkuwento tungkol sa negosyanteng dyowa

Reggee Bonoan - November 17, 2021 - 06:07 PM

WALA sa personalidad ng isang kilalang aktres na mahina ang kanyang loob pagdating sa buhay pag-ibig.

Very vocal naman kasi siya sa lahat ng bagay lalo na kapag kasama niya ang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

Nakilala rin ang aktres na mahilig magbigay ng opinyon sa social media tungkol sa mga nababasang issues ngayon, mapa-showbiz, politics at sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa.

Pero lately ay nag-mellow siya dahil napagsabihan na ng management company niya lalo’t usung-uso ngayon ang cyber libel na kaliwa’t kanan ang mga nadedemanda dahil sa mga posting ng celebrities sa kani-kanilang social media.

Pati sa love life niya ay tikom ang bibig ng aktres dahil sinabihan din siya ng kanyang manager na huwag masyadong pag-usapan ito.

Sabagay, ever since naman ay hindi masyadong makuwento si aktres tungkol sa dyowa niya dahil mas prayoridad niya ang karera niya ngayon.

Pati nga mga lakad nila sa out of town at out of the country ay hindi rin niya pino-post dahil ayaw lang daw niya, sabi ng kanyang kaibigan.

Kaya marami ang nagtatanong kung okay sila ng dyowa niya dahil hindi man lang nito binabanggit at ang lagi niyang sagot ay okay sila pero ayaw niyang pag-usapan.

Mabuti na lang at sobrang understanding ng dyowa ng aktres kaya hinahayaan siya sa mga trip nito dahil abala rin ang lalaki sa negosyo niya.

Siyanga pala, ilang buwan ding magkasama sa iisang bahay ang dalawa dahil inabutan sila ng lockdown last year.

* * *

Kanya-kanyang pabongga na ang TV networks sa paglabas ng kani-kanilang Christimas Station ID at naunang naglabas ang GMA 7 na sinundan ng ABS-CBN.

At siyempre hindi naman magpapahuli ang TV5 dahil simula sa Nov. 22 ay mapapanood na ang “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid.”

Sabi nga, sa kabila ng dinaranas ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya ay nais ipaalala ng Kapatid Network ang kakaibang saya ang nadarama tuwing Pasko.

Ang nag-iisang “Sing Galing” Sing-nior Hitmaker Rey Valera ang naglapat ng musika ng “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid” na nagpapahayag ng mensahe tungkol sa pag-asa at pagkakaisa sa anumang pagsubok.

Bago ang grand launch ng TV5 Christmas Station ID sa Nov. 22 ay napanood na ang lyric video nito sa episode ng “Sing Galing” noong Nob. 4. 

Sa Lunes, Nob. 22 bago ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ang launching ng “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid” Christmas Station ID ng TV5 kasama ang Mandaluyong Children’s Choir.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290705/kilalang-aktres-na-may-youtube-channel-ayaw-makipag-collab-sa-kapwa-artista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending