Vice Ganda nagpayo sa mga nagnanais umahon sa hirap: Hindi masama na unahin ‘yung sarili mo
HINDI mapigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang magbigay payo sa madlang pipol na nagnanais makaahon sa kahirapan.
Napg-usapan kasi nila sa segment ng “Tawag Ng Tanghalan” noong Miyerkules, September 20 ang struggle ng isang contestant ukol sa pagiging mahirap.
Chika ni Vice, siya mismo ay naranasan niya ang pagiging mahirap at walang pera kaya nga ayaw na niyang mapunta ulit sa ganoong sitwasyon.
Depensa ng contestant, kaya nga raw ito todo kayod at suma-sideline rin sa umaga para matustusan ang kanilang mga pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makaipon at makapundar ng sariling bahay paea sa pamilya.
Singit naman ni Vice, palagi raw niyang naririnig ang mga dahilan kung bakit labis na nagtatrabaho at kumakayod ang isang tao.
Dito nga ay nasabi niya na madalas ang dahilan ay para sa pamilya at para sa mga anak.
Baka Bet Mo: Vice Ganda ‘binarat’ sa isang raket, pumalag: ’Yung talent, hindi mo puwede tawaran
View this post on Instagram
“Pero bihirang bihira kong marinig na ‘Para sa sarili ko’. Bakit hindi kayo magsimula sa mga sarili ninyo kasi mas madali ‘yun e. Mas madali ‘yung bakit mo ito ginagawa kasi ‘gusto ko, para sa sarili ko’. Kung gusto mong yumaman para sa pamilya mo, kung gusto mo yumaman para sa anak mo, paano kung mawala ‘yung pamilya mo, mawalan ka ng anak? Hindi mo na ba gugustuhing yumaman?” sey ni Vice.
Inihalintulad pa nga niya ito sa palaging paalala tuwing sasakay ng eroplano at may kasamang mga minors sakaling magkaroon ng hindi magandang pangyayari.
“Do it for yourself. Do it for yourself, first. Parang kapag sumasakay ka ng eroplano, sinasabi doon, kunyari magkakaroon ng aberya. Kunyari may kasama kang minor. Unahin mo muna ‘yung oxygen sa sarili mo tsaka mo ilagay ‘yung sa bata,” lahad ni Vice.
Dagdag pa niya, “Kasi kailangang tulungan mo muna ‘yung sarili mo para makatulong ka sa ibang tao. Hindi ka magkakaroon ng kapangyarihan na makatulong sa ibang tao kung ang sarili mo, hindi mo matutulungan. Hindi mo sila mapapalakas kung ikaw ay mahina.”
Kaya naman hinikayat ni Vice na tulungan muna ang sarili bago tumulong sa iba.
Aniya, “Let’s all start from ourselves for ourselves. ‘Gusto ko to kasi para sa sarili ko tapos para rin sa nanay ko. Tapos para rin sa mga kapatid ko’. ‘Gusto kong yumaman kasi gusto kong umasenso ako. At kapag umasenso ako, mapapaasenso ko ‘yung pamilya ko.”
Ibinahagi rin ni Vice na maraming tao ang napaasenso ang ibang tao pero hindi nila natulungang umangat ang sarili nila. Madalas ang mga breadwinners at OFWs ang mga nakararanas nito.
“Help yourself first and it’s not selfish. It’s self FULL… Hindi masama na unahin mo ang sarili mo tapos bitbitin mo ‘yung ibang mahal mo sa buhay,” pagpapatuloy pa niya.
Related Chika:
Vice Ganda pinagtripan ang hugot post ni Nadine Lustre: ‘Parang may ie-endorse kang katol’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.