Vice Ganda ‘binarat’ sa isang raket, pumalag: ’Yung talent, hindi mo puwede tawaran
INAMIN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na naranasan niya rin ang “tawaran” sa kanyang talent fee noong hindi pa siya sikat sa mundo ng showbiz.
Sa kanyang panayam sa CEO ng sikat na ride hailing and delivery app na si George Royeca, napag-usapan nila ang nakaraang kwento ng komedyante noong nagsisimula pa lamang siya bilang stand-up comedian.
Kuwento ni Vice, may nakapagsabi raw sa kanya na isa sa mga big boss sa ABS-CBN ang pumuri sa kanya at nagsabing kaya siya successful ngayon ay dahil sa husay niya sa pagma-manage ng sarili.
“Sabi niya, ‘that’s why you are like that because you act like a manager. Ypu don’t act like a talent or an artist. You are a manager. You know how to manage yourself, your career. Kahit nga wala kang manager kaya mo na e’.
“Ang negosyo ko ay ‘yung sarili ko. Wala naman akong ibang ninenegosyo e. Kaya kailangan kong paghusayan. Kailangan mong mag-adapt at mag-evolve sa need at hype,” pagbabahagi ni Vice.
Bukod rito, natanong rin siya kung ano ang kanyang pananaw ukol sa “hiya” o ang pagkakaroon ng isang artista ng manager dahil nahihiya itong presyuhan ang kanyang sarili o ibenta ang sarili dahil baka hindi kagatin ng mga producer.
Sey ni Vice, sa umpisa raw ay kailangan talagang magkaroon ng manager ng isang artista para i-represent ito at maging “professionalized” ang approach.
“You will need someone to represent you. And in order for you to professionalize it. Kasi ‘di ba parang hindi legit, parang hindi professional ang approach kung wala kang manager.
Baka Bet Mo: Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: ‘Akala mo maganda ang ginagawa mo…bastos ka, bastos kang tao!’
View this post on Instagram
“Totoo ’yon eh, ‘yong abutan ng pera, nakakababa ’yon ng pagiging artist mo kapag binibilangan ka ng talent fee at saka ’yong tinatawaran ka,” saad ni Vice.
Dito ay maikuwento niya ang sariling karanasan kung saan may raket na inaalok sa kanya ngunit hindi niya nakuha.
Lahad ni Vice, “Dati meron akong raket na hindi ko nakuha kasi maldita daw ako, sabi nilang gano’n. Kasi tinanong ako. Sabi nila, ‘Magkano ka ba sa raket, 2-hour show.’ Ganyan. Sabi ko, ‘A ano po, ₱15,000.’ Tapos sabi, ‘Ay puwede bang tumawad?’… ‘Ay hindi po kasi natatawaran kasi ‘yung talent’, sabi kong gano’n.
“Kasi ang puwede mo tawaran ’yong oras, iiksian natin ‘yong oras, pero ’yong talent, hindi mo puwede tawaran. So pag binayaran mo ba ako ng ₱5,000, babawasan ko ‘yong jokes ko? Pag binawasan mo ba ako ng ₱5,000, ninipisan ko lang ‘yong blush-on ko? It’s the same level of fun, it’s the same jokes, it’s the same level of beauty ang ibibigay ko sa inyo, so hindi n’yo puwedeng tawaran.”
Ani Vice, maaari namang tanggapin ang budget ng inaalok na raket pero dapat ay iksian ang oras dahil hindi matatawaran ang kalidad ng kanyang talento.
Nanghinayang raw siya noon na hindi niya nakuha ang raket at maging ang mga kasamahan niya ay nagalit sa kanya dahil nadamay ito sa paraan ng pagtanggi niya ngunit gusto niyang panindigan ang mga sinabi niya.
“I need to make a point. I will stand by it. Kasi magiging precedent e. Kapag nalaman nilang nakuha ng P5000, hindi na ako makakapaningil ng P10,000 kasi nakuha na nila ako ng P5000,” chika pa ni Vice.
Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.