Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa 'Showtime' dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB? | Bandera

Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Reggee Bonoan |August 03,2023
facebook
share this

Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Reggee Bonoan - August 03, 2023 - 05:39 PM

Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa 'Showtime' dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

SA GITNA ng mainit na isyu sa “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez, kinailangan daw muna nilang magbakasyon para magpagpag ng stress.

Hindi na sila napanood sa nasabing programa kahapon, Miyerkules, kaya naman marami ang nagtatanong kung may kinalaman ba ito sa isyu ng “Showtime” at ng pagpapadala sa kanila ng “notice” ng MTRCB.

Sakto namang nag-tweet si Vice ng larawan nila ni Ion na magkahawak kamay na may passports habang naghihintay sa isang lounge na hindi binanggit kung saan sila papunta.

Ang caption niya, “Naku 2 days lang ang na-approve na bakasyon eh.  Keri na kesa waley. Labing labing muna!!!. Rampa!”

Nasa Instagram stories naman ni Vice ang video na nasa isang sasakyan sila na ang nakikitang tanawin ay bundok na puro luntian ang nakatanim.

Ang background music ay mula sa awitin ni Billie Ellish na “Everything I Wanted” na tila kapareho ng video na nasa biyahe rin ang American singer at songwriter.

Sumakto ang lyrics na ipinost ni Meme Vice na may dinadaanan sila ni Ion, “As long as I’m here, no one can hurt you; Don’t wanna lie here, but you can learn to; If I could change the way that you see yourself; You wouldn’t wonder why you hear; They don’t deserve you.”

Anyway, samu’t sari na ang narinig naming reaksyon na sinuspinde raw ang dalawa sa “It’s Showtime” dahil nga sa pagsita sa kanila ng MTRCB na pinapunta pa ang mga executives ng programa para mag-explain sa eksenang dinilaan nina Vice at Ion ang icing sa kanilang mga daliri.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatang muli si Vice Ganda: Kung may natitira pa sa’yong utak, umayos ka

Katwiran sa amin ng taga-Dos, “Need ni Meme magbakasyon kailangan niyang mag de-stress. Hindi biro ‘yung araw-araw na show ‘no?”

Pero mukhang hindi ito kinagat ng ilang netizens na ini-report rin ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika sa “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 TRUE FM.

Bungad ni ‘Nay Cristy, “Siyempre po wala kahapon sa Showtime ang magkarelasyong Vice Ganda at Ion Perez tapos nag-post po sila ng kanilang letrato na magkasama na sila sa eroplano at meron pang magkasalikop (holding hands) na ang sabi ‘hold my hands and everything will be okay.’

“Ibig sabihin mayroong pinagdadaanan. Ang kuwestiyon po ngayon ng bayan, nasuspinde kaya sila o nagbakasyon lang? Ano sa palagay mo Romel?” sabi pa.

Opinyon ni Romel Chika, “Tingin ko po diyan, parang nasuspinde po sila pero hindi lang nila tahasang sabihin na, ‘nasuspinde po kami kaya wala kami diyan.’ Ang lagay na lang natin ay nagbakasyon lang daw muna sila.”

Dagdag naman ng “CFM” host, “Ang sabi ni Vice dalawang araw lang daw ang pinayagan nu’ng magpaalam siya para sa bakasyon nilang mag-dyowa! Pero alam mo kasi sa buhay na ito, may mga bagay-bagay na pinagaganda sa halip na lumalim ang isyu.

“Katulad ‘yung nasuspinde ka, pinagbawalan ka ng produksyon sa mga ginagawa n’yo lalo pa’t napakalinaw ng ipinahayag kahapon ni MTRCB Chairwoman Lala Sotto na hindi po ngayon ang pinaka-unang pagkakataon na sila talaga ay pinansin ng ahensiya ng ating gobyerno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Maraming beses na po ang warning na ibinibigay sa kanila nagkataon lamang na ang pinakamabigat at pinaka-matindi itong pagkain nila ng icing on air na may mga bata sa kanilang paligid at nasa harap sila ng kamera na parang ang insinuwasyon ay kakaiba,” aniya pa.

Susog ni Romel Chika, “Opo kaya silang dalawa ay palamig muna.”

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “May nag-text sa akin ang balita ay nasa Taiwan daw ngayon si Vice at si Ion. Kahit nasaan pong bansa puwede silang pumunta kaya naman nilang bumili ng ticket ng eroplano, kaya naman po nilang sustenihan ang kanilang pagbabakasyon, kaya lamang ang tanong ng bayan, sinuspinde ba sila o nagbakasyon lang?”

At para maging malinaw din sa kaalaman ng lahat ay nagtanong kami sa taga-ABS-CBN tungkol sa hindi pagsipot nina Vice at Ion sa “It’s Showtime” simula kahapon.

“Hindi namin sila pinagbakasyom, sila ang gustong magbakasyon. Babalik daw ng Saturday,” kaswal nsa sagot sa amin.

Kung Wednesday ay hindi na umapir sa programa sina Vice at Ion at sa Sabado ay magre-report na sila, ibig sabihin ay tatlong araw silang hindi napanood sa “It’s Showtime” at hindi dalawang araw lang ang bakasyon tulad ng post nito.

Samantala, nagtanong kami kung may official statement ang “It’s Showtime” tungkol sa pagliban nina Vice at Ion at sa pag-report ng mga opisyales ng programa sa MTRCB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang sagot sa amin, wala raw official statement ang programa.

Related Chika:
Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Ion Perez tinawag na ‘palamunin’, ‘bad influence’ ni Rendon Labador, fans umalma: ‘Idemanda mo para maturuan ng leksyon!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending