Ion Perez tinawag na 'palamunin', 'bad influence' ni Rendon Labador, fans umalma: 'Idemanda mo para maturuan ng leksyon!' | Bandera

Ion Perez tinawag na ‘palamunin’, ‘bad influence’ ni Rendon Labador, fans umalma: ‘Idemanda mo para maturuan ng leksyon!’

Ervin Santiago |August 03,2023
facebook
share this

Ion Perez tinawag na ‘palamunin’, ‘bad influence’ ni Rendon Labador, fans umalma: ‘Idemanda mo para maturuan ng leksyon!’

Ervin Santiago - August 03, 2023 - 12:36 PM

MISMONG ang mga fans na ang nagtanggol sa TV host-model na si Ion Perez matapos siyang banatan ng social media personality na si Rendon Labador.

Tinalakan kasi ng controversial content creator si Ion pati na ang partner nitong si Vice Ganda dahil sa umano’y “indecent acts” ng mga ito sa “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime.”

Sa inilabas niyang video last July 27, kung anu-anong masasakit na salita ang pinatikim niya sa magdyowa, kabilang na ang pagtawag ng “palamunin” kay Ion.

“Gusto ko lang pong magsalita tungkol dito sa kahayupang pinaggagagawa ni Vice Ganda at Ion Perez sa national TV. Wala naman akong pakialam sa kabaklaan n’yong dalawa. I respect and support LGBTQ community. Nirerespeto po natin ‘yan.

“Ang hindi ko lang po maintindihan ay kung bakit kailangan ninyong gawin, ipakita ‘yung kahayupan ninyo sa national TV at ang pinakamalala, sa harap pa ng mga bata, sa show ng mga bata, noon-time show na pinapanood ng lahat.

Baka Bet Mo: Pokwang pinalayas si Lee O’Brian: 6 na taon ko na pala s’yang palamunin at 5 years walang child support!

“Bakit? Anong rason? Hindi ba kayo makapagpigil o tanga lang kayo? Hindi n’yo ba alam na may lugar para d’yan.

“Ikaw, Ion Perez, isa ka pa. Palamunin ka na nga, ganyan ka pa. Hindi kasi pwedeng i-tolerate ‘yang mga ganyang klaseng tao,” aniya pa. Tinawag pa niyang bad influence ang partner ni Vice.

May mga kumampi kay Rendon sa mga sinabi niya at binasag-basag din sina Vice at Ion pero marami rin ang nagtanggol sa kanila, lalo na kay Ion na may sariling pera naman daw at hindi iniaasa ang lahat kay Vice.

“Grabe naman yung palamunin… alam ko may pera naman sarili si Ion.”

“If this is how a motivational speaker speaks, I’d rather be demotivated. I understand your point but there are appropriate words to correct them.”

“May sarili pong pera si Ion, may sarili po siyang suweldo.”

“Grabe ka naman sa palamunin si Ion. Nagtatrabaho naman s’ya. Kaya wag ka magsabi na palamunin. Pasikat ka.”

“Lakas makasabi ng makapalamunin kay Ion ‘tong si Rendon. G na g di mo naman pinalamon yung tao kung ayaw mo makakita ng ganyan pumikit ka na lang siguro.”

“Dapat kina Ion at Vice idemanda yang panis na Rendon na yan para maturuan ng leksyon. Sobra na sya! Lahat na lang sinawsawan.”

Samantala, sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersya, nag-post naman si Vice sa kanyang Facebook account ng litrato nila ni Ion at ibinalitang magbabakasyon muna sila together.

Makikita ang dalawa habang nasa airport lounge kahapon, August 2, na may caption na, “Labing labing muna!! (smiling face with heart eyes, airplane emojis).”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda, Ion Perez may baby na: ‘Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin’

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: Walang third party, hindi rin pera, siguro napagod lang kami…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending