Vice Ganda, Ion Perez may baby na: 'Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin' Bandera

Vice Ganda, Ion Perez may baby na: ‘Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin’

Ervin Santiago |March 16,2023
share this

Vice Ganda, Ion Perez may baby na: ‘Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 10:16 AM

NAKAPAGDESISYON na ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez tungkol sa pagkakaroon ng sarili nilang “baby.”

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Madadagdagan na nga ng isang miyembro ang pamilya nina Vice at Ion kaya naman super excited na ang magdyowa sa pagdating nito sa kanilang tahanan.

Sa pamamagitan ng YouTube channel ni Vice, ibinalita nila ng kanyang partner na si Ion na magkaroon na ng “baby” na aalagaan at mamahalin nila habang sila ay nabubuhay.

“Syempre kapag wala ako, siyempre mas kailangan mo ng nasa kwarto, ‘yung binabantayan mo,” ang simulang pagbabahagi ng TV host-comedian sa kanyang latest vlog.

Ayon pa sa komedyante, siguradong mas magiging masaya ang pagsasama nila Ion kapag mas lumaki pa ang kanilang pamilya. Naniniwala si Vice na ang pagkakaroon nila ni Ion ng baby ay magsisilbing inspirasyon pa sa kanilang buhay.

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yung bahay namin, para may mapag-sharean ng saya ‘tas mayroon magpapasaya sa’ming bago, mayroon kaming lalambingin, mayroon kaming mamahalin, aalagaa, para lalong maging masaya ang life,” pahayag pa ni Vice Ganda. 

Baka Bet Mo: Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

Pagpapatuloy pa niya, “So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo. Kapag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo.

“Para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi dalawa lang kami,” dagdag ng Kapamilya superstar.

Sa bandang ending ng vlog ay ibinandera nga ng magdyowa na mag-aampon sila ng black and white Pomeranian na ituturing daw talaga nilang parang tunay na ank. Wala namang nabanggit kung kailan nila makukuha ang aso at kung ano ang magiging pangalan nito.

Last October, 2022, Ipinagdiwang nina Vice at Ion ang kanilang fourth anniversary as a couple. Nagpakasal naman sila sa Las Vegas noong October, 2021.

Sa isang panayam, sinabi ni Vice na handa na siyang magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng surrogacy, “Mahirap magka-baby pero hindi ko siya maharap. Pero gustung-gusto ko na.

Siyempre, hindi lang naman siya ang magdedesisyon hinggil sa usaping ito dahil kailangan din niyang isaalang-alang ang magiging saloobin ng partner niyang si Ion Perez.

“Actually ang laking part sa buhay ko na ayokong i-subject yung anak ko sa cruel world like scrutiny sa pamilya, sa dyowa.

“Pero now kaya ko nang protektahan ang anak ko. Gusto ko na pero hindi ko talaga siya maharap dahil ang dami-dami kong ginagawa,” pahayag pa ng komedyante.

Sa katunayan, may mga pagkakataon pa nga na hindi niya nasusunod ang kanyang schedule dahil sa dami ng kanyang commitments, idagdag pa nga riyan ang mga pinatatakbo niyang negosyo.

Aside from his regular work bilang main host ng “It’s Showtime”, meron pa siyang “Everybody, Sing!” at patuloy pa rin ang paggawa niya ng mga content para sa kanyang YouTube channel.

“Nagpunta ako ng America noong tour. Inayos ko na yung schedule kung kanino pupunta. Nakapagpa-schedule kami pero hindi ko napuntahan. 

“I still don’t have the luxury of time to do other things that I want to do.  Kahit meron time naagaw pa rin talaga,” sabi pa ni Vice Ganda.

Related chika:

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending