Vice Ganda sa pag-abswelto ng Supreme Court kay Vhong: 'Isang pangyayari lang pero ang daming message mula sa Panginoon' | Bandera

Vice Ganda sa pag-abswelto ng Supreme Court kay Vhong: ‘Isang pangyayari lang pero ang daming message mula sa Panginoon’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 05:08 PM

Vice Ganda sa pag-abswelto ng Supreme Court kay Vhong: 'Isang pangyayari lang pero ang daming message mula sa Panginoon'

Vhong Navarro, Vice Ganda at iba pang hosts ng ‘It’s Showtime’

MARAMING life lessons na natutunan ang mga kasamahan ni Vhong Navarro sa programang “It’s Showtime” sa matinding pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nagdaang buwan.

Pinawalang-sala ng Korte Suprema ang Kapamilya TV host-comedian nitong nagdaang Lunes sa mga kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng dating model na si Deniece Cornejo.

Sa episode kahapon ng “It’s Showtime” inamin ni Vhong na may pagkakataon na gusto na niyang sumuko lalo na noong nakulong siya na Taguig City Jail at sa NBI Detention Center. Pero pinatatag daw siya ng kanyang pananampalataya at pinalakas ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Sabi nga ng kasamahan niya sa “It’s Showtime” na si Vice Ganda, hanga siya sa tapang ng kaibigan dahil hindi ito sumuko sa napakatinding laban na kanyang pinagdaanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


“Ang saya-saya nating lahat. Sabi ko nga sa chat very joyful, victorious and meaningful day, hindi ba?

“Ang daming messages ng pangyayari na ‘yon, isang pangyayari lang pero ang daming messages na sini-send out sa atin ng Panginoon doon. Just keep the faith.

“Haharapin mo ang pinakamabigat na ganap sa buhay pero at the end you will win because I am with you, ‘yun ang sabi Niya, hindi ba?” pahayag ng Phenomenal Box-office Star.

“Ang bigat-bigat nang pinagdaanan mo sobrang bigat, hindi ba? Pero hindi ka nag-iisa, nandiyan. Sabi nga nila if it’s not good it’s not the end because everything will end good. Ganda. Ang saya natin. Let’s keep the faith,” dugtong pa niyang pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Reaksyon naman ni Vhong sa sinabi ni Vice, “Namamangha ako sa sinasabi niyo kasi totoo, ramdam ko, pinagdaanan ko.

“Kumbaga kung ano ang pinagdaanan ko at alam ko may iba na may pinagdadaanan din diyan, huwag tayong matakot. Harapin natin ang mga pagdadaanan natin na ‘yan at ‘yung hope at faith kay God natin ibibigay,” aniya pa.

Nauna rito, sinabi nga ng komedyante na parang gusto ba niyang sumuko noon, “Dasal ako nang dasal every day and every night na hopefully ay makuha ko na ‘yung minimithi ko, na matapos na itong pinagdadaanan ko. Kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa, eh.

“Nawalan ako ng hope nung nasa loob ako. Pero hindi ako tumigil sa pagdarasal kaya eto na po, dininig na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin. At nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko. K

“Kaya maraming-maraming salamat sa Supreme Court. Maraming-maraming salamat sa aking legal team na talagang nandiyan hindi ako pinabayaan,” sey pa ni Vhong.

Baka Bet Mo: JC de Vera biglang napaiyak matapos mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN: Wow! Answered prayer!

Pinasalamatan din niya ang kanyang mother network, “Of course, ABS-CBN dahil hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho. Welcome ako rito sa ‘Showtime.’ Sir Carlo Katigbak, Sir Mark Lopez and of course Tita Cory Vidanes, maraming-maraming salamat. I love you.

“Lagi kayong nandiyan. Lagi kayong nakaalalay sa akin. Of course, Direk Chito Roño, sa manager ko. I love you boss thank you so much. Sa Street Boys.

“At sa mga taong naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin, marami pong salamat. Of course my family kay Tanya, kay Yce, kay Bruno, sa dalawang nanay ko, sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan ko pa, maraming-maraming salamat,” mensahe pa ni Vhong.

Pagpapatuloy pa niya, “Dahil sa Supreme Court naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilipinas. Salamat po. Kaya patuloy po tayong magdarasal. God is really good.”

Nitong nagdaang Lunes, ibinasura na nga ng Supreme Court Third Division ang mga kasong kriminal na isinampa kay Vhong ni Deniece. Habang isinusulat ang balitang ito, wala lang inilalabas na official statement si Deniece Cornejo.

Donnalyn pinuri si Associate Justice Leonen: Please stop spreading hate against the man

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ria Atayde sumailalim sa spine surgery; nagpasalamat kay Angel Locsin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending