Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya | Bandera

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

Therese Arceo |August 17,2022
facebook
share this

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

Therese Arceo - August 17, 2022 - 05:38 PM

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

MAINIT na usap-usapan ngayon ang pahayag ng kolumnistang si Cristy Fermin sa relasyon ng Unkabogable Star Vice Ganda at Ion Perez.

Sa latest episode ng kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Morly at Wendell, muli nilang napag-usapan ang mga celebrities na hindi na raw tinantanan ng mga bashers.

Isa nga sa mga nabanggit nila ay ang asawa ni Vice na si Ion.

Ani Nanay Cristy, marami pa rin daw talaga ang hindi naniniwala na hindi nito piniperahan ang Unkabogable Star.

“Nu’ng una pa man, kahit naman hanggang ngayon, ang katwiran ni Ion, ‘Ako po ay isang straight na lalaki na nagkataon lang na nagmahal sa isang beki. Hindi ko po pineperahan si Vice. Mahal na mahal ko po si Vice. Hindi po materyal na bagay o pera ang dahilan ng aming relasyon’,” saad ng kolumnista.

Sabi pa ni Nay Cristy, wala raw talagang naniniwala sa kanya kahit ano pang gawin niyang paliwanag.

“Ang tingin pa rin ng ating mga kababayan, lalo na ng mga Marites, pera pa rin ang dahilan,” pagpapatuloy niya.

Sinegundahan naman si Nay Cristy ng kanyang mga kasama sa vlog ngunit sinabi nilang hindi pa rin nila pwedeng saklawan ng kalooban ni Ion dahil maaari naman talaga itong mangyari sa totoong buhay.

Sey ni Morly, “Dahil si Vice ay malaking artista, mapera, mayaman, sususugan talaga ng kung anu-anong negatibo. Kahit magpaliwanag pa si Ion na bukal sa loob niya ang pagsasabi na mahal niya si Vice, marami pa rin ang magsasabing ‘Hindi ako naniniwala’.”

Napapaisip nga raw si Nanay Cristy kung ano pa ang maaaring gawin ni Ion para lang paniwalaan.

“Paano kung totoo pala na kapag binuksan pala natin ang puso niya, purong puro, isang daang porsyento ang pagmamahal niya kay Vice?” lahad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Chika pa ni Nay Cristy, mapapagod na raw si Ion sa kakapaliwanag sa tunay na intensyon kay Vice pero wala pa ring maniniwala.

“Napakasakit nga sa mundong ito, sa lipunan natin, mahal na mahal niya si Vice pero hindi siya paniniwalaan siyento porsyento. Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya,” sey ni Nay Cristy.

Hirit pa nila ni Morly, “Kung mahal ka ng isang tao, hindi ka bibitiw.”

Related Chika:
Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending