Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula? Bandera

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Therese Arceo |June 18,2022
share this

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Therese Arceo - June 18, 2022 - 04:52 PM

Pag-iibigan nina Vice, Ion paano nga ba nagsimula?
CHILL lang ang naging ganap ng Phenomenal Star na si Vice Ganda nang ikuwento nito sa kaibigang si KaladKaren kung paano nagsimula ang love story nila ng asawang si Ion Perez.

Sa vlog na in-upload kahapon ni KaladKaren, muling binalikan ng komedyante ang mga moments nila noon ng asawa bago pa man sila maging mag-dyowa.

Amin ni Vice, hindi na daw niya talaga maalala kung kailan niya hinarot si Ion dahil noon raw ay bukod sa host siya ng programang “It’s Showtime” kung saan naging talent si Ion sa segment na “Ms. Q and A” bilang escort, magagalit rin ang management.

Pero ang naaalala raw niya ay isinasama na raw niya ito sa tuwing gigimik sila ng mga kaibigan niya sa Hashtags.

“Nagiging regular na namin siyang kasama sa gimik kaya nagiging kagrupo na namin siya tapos nilalandi landi ko siya. E di ba nilalandi ko siya sa show? So itinatawid ko.

“May mga times na iba na yung arte namin… ‘yung parang kahit tapos na ‘yung show, parang ganoon pa rin. Hanggang sa isang beses, sinabi na niya kina Wilbert, sa mga hashtags, kila Ronnie na parang nalulungkot daw siya kasi hindi niya malaman kung naglalaro lang kami o totoo na… e special na raw ako sa kanya,” pagkukuwento ni Vice.

Talaga namang napakahaba ng hair ni Meme dahil sa pasabog ni Ion. Noon daw ay hindi pa niya alam kung dyodyowain niya ito pero malinaw na bet niya si Ion.

Bukod raw sa pagiging pogi at hot ni Ion, nakilala rin niya ang kabaitan nito at hind pagiging pabigat at hindi alagain.

Nakita rin daw niya ang pagiging ma-effort nito dahil todo get up ito sa tuwing magyayaya si Vice na gumimik.

“Tuwing lumalabas kami, bumibili siya ng bagong t-shirt… Bet niya talaga ako, hindi na pwedeng makawala to,” natatawang sey niya.

Naging official daw ang lahat nang tanungin ni Vice nang diretso si Ion kung gusto niya bang maging mag-dyowa sila.

Nagulantang raw siya sa sagot ni Ion na “ikaw po” dahil sa sobrang galang nito at doon nga nagsimula ang kanilang relasyon ngunit itinago muna nila sa publiko.

Ang dahilan kung bakit niya itinago dahil natatakot siya sa sasabihin ng iba ngunit kalaunan ay na-realize niya na keber na sa sasabihin ng iba kaya ibinandera na niya ang pagmamahal niya kay Ion sa “It’s Showtime”.

Sa ngayon ay masayang masaya na si Vice sa relasyon nila ni Ion at sa katunayan ay ikinasal na sila sa Las Vegas noong nakaraang taon.

Related Chika:
Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending