Ion Perez hinangaan ng netizens sa pagiging simple, Vice Ganda super proud sa asawa | Bandera

Ion Perez hinangaan ng netizens sa pagiging simple, Vice Ganda super proud sa asawa

Alex Brosas |December 16,2022
facebook
share this

Ion Perez hinangaan ng netizens sa pagiging simple, Vice Ganda super proud sa asawa

Alex Brosas - December 16, 2022 - 02:09 PM

Ion Perez hinangaan ng netizens sa pagiging simple, Vice Ganda super proud sa asawa
NAPABILIB ang marami sa kasimplehan ng “It’s Showtime” mainstay host na si Ion Perez.

Sa isang Instagram video post kasi ng happyviceion ay ipinakita ni Vice Ganda ang simpleng lunch ng kanyang dyowa.

“Nagla-lunch na kami. Tingnan n’yo naman ang lunch ng asawa ko. Ano ang pagkain mo ngayon, babe? Ano ‘yan?” tanong ni Vice Ganda kay Ion.

“Ano lang ito, fish crackers, kamatis at saka bagoong,” say ni Ion.

“Fish crackers. Ang ulam niya ay fish crackers,” say ni Vice Ganda.

“Tapos, bagoong, kamatis. Solved. Simple lang. masarap. Dito ako masaya, eh, ‘di ba?” say pa ni Ion.

“Taray, ‘no? so cute,” say ng “It’s Showtime” main host.

Marami ang nagkagusto sa video na ‘yon.

“Walang ka arti2 c kuya ion mommievice.”

“Naingit ako.”

“walang kaarte arte talaga sila kaya pinag papala kayu.wee love you both.”

Incidentally, pinag-usapan ang video nina Vice and Ion kung saan sila nagpakasal sa America. Natanong si Vice Ganda ng kanyang komento about it sa grand mediacon ng “Partners In Crime”.

“Proud na proud ako sa video na iyon. Proud naproud ako na na-upload naming ‘yung video na ‘yun at napanood ng maraming tao. It’s liberating for me and for him, na ang daming nanood. Ang ganda kasi ng feedback ng video na iyon na ikinasal kami ni Ion sa Las Vegas. Everyone was just very happy for the both of us, not just people in our community, lalaki, babae.

At pagkatapos kong i-upload ‘yung content na iyon, slightly ay natatakot ako. Eto na naman, kasi ayokong mababoy kasi pinoprotektahan ko ‘yung something beautiful sa relationship. Ang ganda ng feedback. Pagkatapos kong i-upload iyon, nag-vlog ako sa Binondo. May ginagawa akong content. Nag-restaurant crawl ako tapos sa kalsada may mga tao na ang sabi, ‘Vice, congrats. Nasaan si Ion?’ nagulat ako. Ang ganda ng pagtanggap ng mga tao. May maganda siyang idinulot sa akin, sa lipunan, sa komunidad na kinabibilangan ko.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

* * *

Hindi naniniwala si Zanjoe Marudo na the more time na nagbabad ka sa gym ay mas mabilis at mas Malaki ang improvement mo sa iyong katawan.

“‘Yung mas matagal ka sa gym, feeling mo mas maganda ang effect. Ako siguro, hanggang 45 minutes na lang ako, eh. Less time ‘yung nako-consume sa araw mo pero pareho lang naman ang result. Kung three hours kang nandoon, or 45 minutes, basta tama, tamang equipments, lahat ng galaw mo, (okay na),” say niya nang makausap namin sa Masquerade Ball organized by Surge Fitness+ Lifestyle kung saan isa siya sa mga ambassadors.

Para sa actor, ang sus is a exercise ay motivation at wala ng iba pa.

“Bago ka makapunta sa exercise na gagawin mo, kailangan paggising mo pa lang may motivation ka na. Alam mo ‘yun? Kailangan kong bumangon. Kailangan kong mag-exercise. Dapat doon magsisimula. Disiplina, mindset iyon ang importante. Lahat to follow na lang,” explika niya.

Bilib na bilib si Zanjoe sa Surge Fitness+ Lifestyle dahil modern ang kanilang mga equipment sa gym.

“Top of the line talaga ang equipment nila hindi lang sa bodybuilders o talagang gustong magpalaki ng katawan. Ang dami, eh. Puwede kang mag-dance class. May playzone. Puwede kang maglaro. May billiards and playstation. Alam mo ‘yun, nag-e-exercise ka na, nag-e-enjoy ka pa doon sa lugar. Kahit pamilyado ka na, meron silang place na puwede sa mga bata. Nae-excercise din ang mga bata,” say niya.

Related Chika:
Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending