Pokwang pinalayas si Lee O'Brian: 6 na taon ko na pala s'yang palamunin at 5 years walang child support! | Bandera

Pokwang pinalayas si Lee O’Brian: 6 na taon ko na pala s’yang palamunin at 5 years walang child support!

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Pokwang pinalayas si Lee O’Brian: 6 na taon ko na pala s’yang palamunin at 5 years walang child support!

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 06:15 PM

Lee O'Brian basag kay Pokwang: 6 na taon ko na pala s'yang palamunin at 5 years walang child support!

Pokwang at Lee O’Brian

NAGPASABOG uli ang komedyanang si Pokwang laban sa dating karelasyon na si Lee O’Brian patungkol pa rin sa ginawa niyang pagtitiis at pagsasakripisyo noong nagsasama pa sila sa iisang bubong.

Rebelasyon ng Kapuso TV host-actress, sa loob ng anim na taon ay naging palamunin niya ang American actor at wala ring natanggap na child support para sa anak nilang si Malia.

Hindi na napigilan ni Pokey na isiwalat sa publiko ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Lee. Ito’y dahil na rin sa pangnenega sa kanya ng ilang bashers.

Nag-post ang komedyana sa Instagram nitong nagdaang Linggo, January 29, ng kanyang video habang naliligo sa swimming pool sa bahay niya sa Camaya Coast sa Bataan.

Aniya sa caption, “I’m your new agent! real estate agent hahahhahaa pm is the key kung gusto mo mag invest ng property sa Camaya coast your morena agent is here and always ready to assist you (laughing emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Isang hater ang nagkomento sa kanyang IG post, “Talakira kasi kaya iniwanan (laughing emojis).”

Niresbakan agad ni Pokwang ang nasabing netizen at dito na nga niya nasabi na six years niyang binuhay mag-isa ang kanyang pamilya, kabilang na nga riyan ang pagtataguyod mag-isa sa anak nila ni Lee.

Bwelta ni Pokey sa basher, “Tanga nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon kona pala sya palamunin at limang taon walang child support! wag kana baka madamay ka sa demandahan namin hahahhahaa!”

Dagdag pa niya, “And fyi hindi ako iniwan bwahahhaaahaaa tanungin mo sya bakit ko sya pinalayas!!!!! tanungin mo now na! dalahirang marites BOBA naman!!!”

Pahabol pa niyang banat sa pakialamerang netizen, “Super tanggol ka type mo ba sya? hahahahhaa dika papatulan nyan kung waley ka pakinabang!!! or kaibigan mo yung babaeng involve?

“Pakisabi congrats nagtagumpay sya na wasakin ang puso ng anak namin na ngarap na mabuo kaming muli!” huling hirit pa ng komedyana.

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: Walang third party, hindi rin pera, siguro napagod lang kami…

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending