Vice Ganda sinagot ang netizens kung bakit wala sa top celebrity taxpayers ng 2022 | Bandera

Vice Ganda sinagot ang netizens kung bakit wala sa top celebrity taxpayers ng 2022

Therese Arceo - March 11, 2023 - 03:34 PM

Vice Ganda sinagot ang netizens kung bakit wala sa top celebrity taxpayers ng 2022

MARAMI sa mga netizens ang nagtataka kung bakit wala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa listahan ng top celebrity taxpayers ng 2022.

Isang netizen nga ang nag-tweet at curious kung bakit wala ang “It’s Showtime” host sa listahan na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“I am actually shocked vice ganda was not included sa top taxpayers,” tweet ng netizen.

Agad naman itong ni-retweet at binigyang linaw ng komedyante bago pa tuluyang magdulot ng kalituhan sa madlang pipol.

“FYI (for your information) yung nasa news po ay mga top tax payers ng RDO (Regional District Office) 39. I am one of the Top Tax Payers of RDO 38,” pagpapaliwanag ni Vice Gandaz

Dagdag pa niya, “I was invited sa ceremony nung Feb 27 pero di po ako naka attend.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

Lahad naman ng naturang netizen na nagtaka lang ito dahil inaasahan niya na nandoon ang pangalan ni Vice Ganda.

“hello meme, I don’t have any wrong intention sa tweet ko, I was reading the article and I missed na wala ka po sa list na yun. ‘Cause I’m expecting na kasali ka dun. Ibang RDO pala sorry na po,” sey ng netizen.

Chika naman ni Vice, “Yes po I know naman. Kaya nag FYI lang ako para sa mga nagtatanong din. All good. GV lng.”

Matatandaang nitong Miyerkules, March 8, binigyang parangal ng BIR regional office ng Quezon City ang mga top celebrity taxpayers noong 2022.

Makikitang dumalo sa naturang event ang bff ni Vice Ganda na si Coco Martin pati ang sisteret nitong si Anne Curtis.Present rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ilan pa sa mga pinarangalan ay sina Vic Sotto, Michael V., Sarah Geronimo, Judy Anne Santos, Liza Soberano, at Willie Revillame.

Naging parte rin si Vice Ganda ng listahan ng Top 500 taxpayers ng Pilipinas kung saang nasa 137th place siya noong 2012, 228th place noong 2013, at 132nd noong 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Related Chika:
Kathryn, Daniel, Coco, Anne pasok sa top celebrity taxpayer ng 2022, pinarangalan ng BIR

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending