Kathryn, Daniel, Coco, Anne pasok sa top celebrity taxpayer ng 2022, pinarangalan ng BIR
PINARANGALAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) regional office ng Quezon City ang 2022 top celebrity taxpayers kahapon, March 8.
Kinilala ng BIR ang 11 personalidad na nagbayad ng kaukulang buwis sa tamang oras nitong nagdaang taon. Pito sa mga ito ay mula sa ABS-CBN, tatlo ang Kapuso, at isa mula sa ALLTV Channel 2.
Personal na tinanggap ng Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo (number 1) at Daniel Padilla (top 5) ang kanilang award mula sa BIR. Ginanap ang event sa Fisher Mall sa Quezon City.
Birong mensahe ni DJ, “Maraming-maraming salamat ho sa award na ito at maraming-maraming salamat. Ang dami naming binayarang tax.”
Pahayag naman ni Kathryn, “Thank you so much for this recognition, malaking bagay to sa amin. And hopefully, this will inspire everybody to do our responsibility bilang Pilipinong nagbabayad ng tax.”
Isa pa sa top celebrity taxpayer ng 2022 ay si Anne Curtis na nagpayo sa sambayanang Filipino na maging maagap sa pagbabayad ng buwis.
“Now that I’m a mother, I think it’s so important that we lead by example to the future generations and encourage others to think about the progression of our country as well, for the future generations that have yet to come.
Baka Bet Mo: JaMill pinuntahan ng taga-BIR sa bahay: Inaasikaso na po namin ngayon sa tamang paraan
“So let’s all lead by example, let’s support the BIR. And let’s pay everything on time,” aniya pa.
Ang iba pang binigyan ng pagkilala ng BIR na personal ding tinanggap ang award ay sina Coco Martin at Maja Salvador.
Kasama rin sa listahan ng mga artistang tapat sa pagbabayad ng kanilang buwis na hindi nakapunta sa awarding ceremony ay sina Vic Sotto, Michael V., Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Liza Soberano, Mel Tiangco at Willie Revillame.
Nag-perform naman sa event sina Erik Santos, Bugoy Drilon at Jed Madela.
Ginawa ang nasabing seremonya upang hikayatin ang lahat ng mga Filipino na magbayad ng buwis sa tamang oras.
“More is what you can expect from our end. And on your side, our dear taxpayers, we expect you to fulfill your part, tax obligations, pay your correct taxes on time, and report tax violators and corrupt employees.
“Let us work together to build a better nation. Mahalin natin ang Pilipinas, paunlarin natin ang ating bansa,” ang bahagi ng mensahe ni Commissioner Romeo Lumagui Jr..
Related Chika:
Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil
Celebrity vloggers, socmed influencers pinagbabayad na ng tax ng BIR
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.