Kathryn Bernardo, Gabbi Garcia pinagsasabong ng mga fans sa Twitter, bakit kaya? | Bandera

Kathryn Bernardo, Gabbi Garcia pinagsasabong ng mga fans sa Twitter, bakit kaya?

Therese Arceo |February 22,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo, Gabbi Garcia pinagsasabong ng mga fans sa Twitter, bakit kaya?

Therese Arceo - February 22, 2023 - 03:44 PM

Kathryn Bernardo, Gabbi Garcia pinagsasabong ng mga fans sa Twitter, bakit kaya?
TRENDING ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa Twitter.

Ilang araw na ring kapansin-pansin ang awayan ng nga fans at supporters ng dalawa kung saan makikitang tila pinagsasabong ng mga ito ang kanilang idolo.

Base sa ilang mga tweets, nagsimula ito dahil sa endorsement nina Gabbi at Kathryn sa sikat na online shopping app.

Isa na kasi ang Kapuso actress sa mga Beauty endorser ng naturang online shopping app.

Mukhang na-trigger ang mga fans ni Kathryn dahil sa sinabing “napalitan” na raw ang Kapamilya star sa pagiging endorser.

“LOOK: Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia joins the @LazadaPH family as their NEWEST Lazada Beauty endorser! Pag pinalitan wag ng inggit. kapuso thingzzz onlyy,” saad ng Twitter user na @KapusoThingsPH.

“excuse me? A fan of gabbi who started all of this and as a fan of kathryn, of course we’ll fight for her and protect her!!! ikaw may life kaba? o edi huwag ka makialam boang,” pagtanggol ng KathNiel fan.

Nag-post rin ang Twitter user na @Showbiz_polls ng larawan ng dalawa at pinagkumpara ito.

“Kathryn Bernardo’s bankability has waned. Her latest TV show, 2 Good 2 Be True, averaged 4.0 in the ratings game lang. Sobrang baba. Wala na siyang appeal sa target markets niya. Gabbi Garcia, on the other hand, is the new IT girl. Taas ng ratings ng mga latest shows nya,” sey nito.

Dagdag pa nito, “Re-run of Encantadia in the Telebabad block smashed the ratings game with a peak rating of 22.4 for a single episode. Mataas din ratings ng Love You Stranger nya with Khalil Ramos. She has more major endorsements than Kath.No wonder Dreamscape picked her over Kath. No hate!”

Agad naman itong umani ng samu’t saring komento mula sa fans ni Kathryn.

“Ano raw? Her movie doesn’t even ring a bell. I like Gabbi pero yung i-compare sya kay Kath, hmm, no, super layo. And I’m sure kahit si Gabbi ang makabasa ng tweet na to, ma feel nya yung cringe,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Talaga lng ha!!!comparing a starlet sa THE KATHRYN BERNARDO.Get a life,clout chaser.”

Mukhang hindi pa nakakarating sa dalawa ang warlahan ng kanilang mga faney dahil wala pang pahayag ang mga ito ukol sa isyu.

Sa kabila naman kasi ng kanilang pagkakaiba ng networks ay magkaibigan sina Kathryn at Gabbi. Sa katunayan ay parehas silang miyembro ng Nguya Squad.

May mga fans rin naman na umaawat sa sinasabing huwag nang ikumpara ang dalawa lalo na’t magkaiba naman daw talaga ang mga achievements ng mga ito at bagkus i-celebrate na lang ang mga tagumpay na nakakamit ng dalawa.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig nina Kathryn at Gabbi ukol sa awayan ng kanilang tagasuporta.

Related Chika:
‘CPR’ scene ni Kathryn Bernardo sa ‘2 Good 2 Be True’ trending, kinarir ang training para hindi ma-bash

Gabbi Garcia umaming insecure noon sa kanyang itsura: I really had that ugly duckling phase…hindi ba ako maganda for showbiz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Open letter ni Kathryn Bernardo kay Ronaldo Valdez nakakaiyak: ‘You are the lolo I never had…I love you so much!’

Gabbi Garcia naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA; type sumabak sa LGBTQ project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending