Hugot ni Vice Ganda: Sana dumami pa ang komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa
NAGLABAS ng saloobin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ukol sa pagiging komedyante sa kasalukuyang panahon.
Ito ay matapos mag-perform ng Team Vhong, Jugs, at Teddy para sa kanilang taunang anniversary celebration na “Magpasikat” at ang kanilang napilinh tema para sa 14th anniversary ng “It’s Showtime” ay ang pagbibigay tribute sa mga yumaong Filipino comedy legends lalong lalo na kina Redford White, Babalu, at King of Comedy na si Dolpy.
Umani ng mga positibong komento ang naging performance ng Team JTV at maski si Vice ay aminadong naantig matapos niyang makita ang mga taong nagbigay daan at oportunidad sa mga kasalukuyang komedyante na ipamalas ang kanilang talento at pagpapasaya sa madla.
Matapos ang kanyang pagpuri sa performance ng mga co-hosts ay ang kanyang pagbibigay saludo sa mga namayapang komedyante.
“Tsaka dati nung panahon nila, mahirap nang magpatawa no’n. Pero grabe ‘yung hirap magpatawa ngayon,” pagbabahagi ni Vice.
Aniya, may mga pagkakataon raw na kapag nanonood siya ng lumang komedya movie or series ay natatawa siya sa mga lumang istilo ngunit napapatanong rin siya sa sarili niya ng ‘Nakakatawa ‘yan ano? Pa’no ‘pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sakin? Pa’no ‘pag ginawa ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa’kin?’
Baka Bet Mo: Vice Ganda ‘binarat’ sa isang raket, pumalag: ’Yung talent, hindi mo puwede tawaran
View this post on Instagram
Sey pa ni Vice, “Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino pero lately, ang hirap n’yo ring pasayahin. Konting kibot, konting utot, mayroong panget na reaksyon. Ang hirap hirap magpatawa ngayon.
“Nakakatuwa na makita ‘yung maraming litrato ng mga komedyante. Sabi ko, ‘Ang sarap [sa pakiramdam] o. Ang daming komedyante.'”
Hiling rin ni Vice na sa kabila ng hirap ng pagpapatawa ay patuloy pa ring dumami ang mga taong magnanais na pasukin ang larangang ito.
“Pero ngayon, sana dumami pa ‘yung mga komedyante kahit ang hirap hirap nang magpatawa. Sana dumami. I cannot see the world right now na unti-unting nakikita ko na paunti nang paunti ‘yung komedyante kaysa sa parami nang parami.
“Kasi in reality, mas kailangan natin ng komedya sa ngayon pero nahihirapan ‘yung komedyang ibigay ang gusto nila dahil ang hirap magpasaya, dahil ang dami dami dami dami dami dami ng pinaniniwalaan ng mga tao ngayon and that is the sad reality,” sey ni Vice.
Marami naman ang nagbigay suporta sa naging pahayag ng Unkabogable Star.
“Always remember meme vice that madlang people is always here for you to support you we love you meme,” sabi ng isang netizen.
Hirit naman ng isa, “hi vicey we appreciate you so much, mahirap na magpatawa yes but still ur always there para pasayahin kami araw-araw kahit sobrang hirap na. We love you so much vicey!”
“I love you Vice! Thank you sa pagpapasaya. Showtime!” comment naman ng isa.
Related Chika:
Vice Ganda may patutsada sa mga ‘feeling mabait’: Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan
Anne Curtis, Vice Ganda nagkaroon ng matinding away nang dahil lang sa tumapon na watermelon shake
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.