Vice Ganda may patutsada sa mga 'feeling mabait': Let's cut the cycle of plastikan and bait-baitan | Bandera

Vice Ganda may patutsada sa mga ‘feeling mabait’: Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan

Therese Arceo |April 01,2023
facebook
share this

Vice Ganda may patutsada sa mga ‘feeling mabait’: Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan

Therese Arceo - April 01, 2023 - 01:18 PM

Vice Ganda may patutsada sa mga 'feeling mabait': Let's cut the cycle of plastikan and bait-baitan
SI Kuya Kim Atienza nga ba ang pinapatamaan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa live episode ng “It’s Showtime” kahapon, March 31?

Kahapon kasi ang ika-47th birthday ng TV host-comedian kaya naman isa-isang nagbigay ng mensahe sa kanya ang mga co-hosts na tradisyon na nila sa tuwing may magdiriwang ng kaarawan nila.

Punung-puno ng pagmamahal at pasasalamat ang mga naging birthday message nina MC, Lassy, Ate Girl Jackie, at Cianne hanggang sa si Karylle na ang nakataktang mag-message kay Vice.

“For the chill message, ako happy lang ako to experience small moments na for me napakalaking victories yung moment na nag-holding hands kayo ni Ion dito, kapag nagha-hig kayo, nagkiss kayo sa TV. Na what a time to be alive na naiintindihan na ng bawat tao ang pagmamahalan,” sey ng singer.

Nabanggit rin ni Karylle ang mga misunderstanding issues sa pagitan nila ni Vice noon na lumaki na lang sa social media kahit na maayos naman talaga ang samahan nila.

“Sa lahat ng mga hindi natin pagkakaintindihan na lalong pinapagulo ng ibang tao, I’m happy na mayroon akong direct line to your heart. And thank you for… kahit ano mang sabihin nila na magulo o itanim sa puso natin, may one minute man na masakit siya, naiintindihan nating dalawa. Thanks to Tiyang Amy also…

“[Napapaisip na lang ako na] ‘Wait a minute, nagmamahalan kami, bakit ninyo kami ginugulo?’ Kung may one minute man tayong parang ‘Ano ngang nangyari doon?’ naayos natin yun kasi nga mayroon tayong direct line sa ating mga puso. Happy birthday. I love you very much, fellow March baby!” sey ni Karylle sabay yakap kay Vice.

Dito nga ay binalikan ng TV host-comedian ang nangyari sa kanila recently ni K kung saan marami ang nag-call out sa kanya dahil sa tila pambu-bully raw nito sa kapwa “It’s Showtime” host na sinawsawan ng maraming tao.

Baka Bet Mo: Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

“Recently lang ‘yun e. Yung naniwala talaga kaming dalawa, ako lang pala, naniwala akong may problema kami tapos tumakbo ako sa kanya tapos nag-aapologize ako. Wala pala kaming problema. Ginawa n’yo kami ng problema tapos naniwala tuloy ako.

“May mga gumawa ng gulo tapos may mga sumakay, may mga nagpalaki. May mga ganyan, ‘yung mga nakisakay tapos nakakaloka doon sa mga nakikisakay, magte-text pa ng ‘I didn’t mean to hurt you’. Sagutin ko nga. Hoy wag nga tayong magplastikan. You meant to hurt me. Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan,” saad ni Vice.

Aniya, kung hindi ka mabait ay subukan mong maging mabuti pero huwag nang magbait-baitan.

“Kung mabait, mabait pero hindi maganda ‘yung bait-baitan. Let’s cut the cycle of plastikan ans bait-baitan. Let’s be real. If we’re not mabait, then let’s try to be mabait but let’s not bait-baitan. If we’re mabait, then continue being mabait but let’s not bait-baitan,” sey ni Vice.

Dagdag pa niya, “Ugh. Kadiri. Nandidiri talaga ako sa ganyan. Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Let’s just chill and be ourselves.”

Matatandaang isa si Kuya Kim sa mga nag-react sa recent issue sa pagitan nina Vice at Karylle.

Nag-tweet pa nga ito at sinabing isa si K sa mga pinakamabait na tao sa “Showtime”.

Matapos mag-trending ay nilinaw naman ni Vice at Karylle na maayos ang kanilang relasyon at walang na-offend sa nangyari dahil normal lang sa kanila ang mga batuhan ng jokes sa isa’t isa.

Related Chika:
Vice Ganda sinita, pinagsabihan ng 2 psychologist sa pag-iyak ni ‘Kulot’ sa Showtime: Hindi dapat pinipilit ang bata na magsabi ng ‘I love you’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin: ‘Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending