Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang 'Eat Bulaga' hosts | Bandera

Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

Therese Arceo |March 31,2023
facebook
share this

Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

Therese Arceo - March 31, 2023 - 11:06 PM

Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang 'Eat Bulaga' hosts

LABIS ang saya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na nagse-celebrate ngayon ng kanyang ika-47th birthday.

Sa live episode ng “It’s Showtime” ngayon ay masaya siyang sinalubong at binati ng kanyang mga co-hosts sa Kapamilya noontime program maging ng mga madlang pipol mula sa madlang pipol.

Halata namang pinaghandaan ni Vice ang kanyang birthday dahil umawra talaga ito at nag-ala fairy godmother sa kanyang green outfit.

Samantala, ka-birthday pala ng TV host-comedian ang ina ni Joey de Leon na binati niya on national TV.Bumati rin naman ang iba pang “Eat Bulaga” hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maja Salvador, at Ryan Agoncillo sa ina ni OG host ng Kapuso noontime show.

Matapos nito ay nabanggit ni Joey na birthday rin ni Vice Ganda at binati na rin niya ito maging ng iba pang mga hosts ng EB.

Napanood naman ito ng Unkabogable Star kaya naman super happy ito sa natanggap na pagbati mula sa kabilang bakuran.

Baka Bet Mo: Vice Ganda may shoutout sa mga nanonood ng spliced videos: Todo comment na parang knows na knows ang buong ganap

Sinagot niya rin ito ng pasasalamat kanina habang live na umeere ang “It’s Showtime”.

“I’m so happy. Binati nila ako ng happy birthday sa Eat Bulaga!” sey ni Vice.

Pagpapatuloy niya, “Kay Tito Joey, Sir Joey de Leon, maraming-maraming-maraming salamat. Binati nila ako dun, ang saya. Mabuhay kayo Eat Bulaga!, more years to come! I love you.”

Singit naman ni Anne, “Ito pala ang dulot ng chill, no?”

Sa umpisa kasi ng programa ay sinabi ni Vice na gusto niyang maging chill lang ang kanyang araw at malayo sa negativity.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang chill. The world is chilling. I love you Dabarkads. I love you Eat Bulaga! Sa lahat sa inyo diyan, maraming-maraming salamat,” sabi pa ni Vice.

Mukha namang maayos na ang lahat sa pagitan ng mga hosts ng magkabilang network at hindi na tulad noon na may mga pahapyaw na parinigan at asaran laban sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Happy Birthday, Vice!

Related Chika:
Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending