Vice Ganda may shoutout sa mga nanonood ng spliced videos: Todo comment na parang knows na knows ang buong ganap | Bandera

Vice Ganda may shoutout sa mga nanonood ng spliced videos: Todo comment na parang knows na knows ang buong ganap

Therese Arceo |March 30,2023
facebook
share this

Vice Ganda may shoutout sa mga nanonood ng spliced videos: Todo comment na parang knows na knows ang buong ganap

Therese Arceo - March 30, 2023 - 11:53 PM

Vice Ganda may shoutout sa mga nanonood ng spliced videos: Todo comment na parang knows na knows ang buong ganap
NAGPASARING ang Unkabogable Star na si Vice Ganda patungkol sa kanyang mga “constituents” na mahilig manood ng mga spliced videos.

Sa kanyang Twitter page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin patungkol sa mga netizens na puro kuda sa social media patungkol sa mga isyu na napapanood nila sa mga spliced video clips na uploaded sa TikTok.

“GANDANG tanghali sa mga solid Madlang People natin dyan !!! See u in Showtime leytah! Hi na din sa mga constituents ni Yormeme na mahilig manuod ng mga spliced videos lang sa chikchok pero todo comment na parang knows na knows ang buong ganap. Lelzzzzzz!!!” talak ni Vice.

Maging sa kanyang pagpasok sa “It’s Showtime” ay ito rin ang kanyang bungad sa madlang pipol.

“Hello sa mga constituents ko sa studio, sa mga mememayan sa kalsada, sa lahat ng mga gumising upang manood ng It’s Showtime…pati na rin sa ating mga mememeyan na sa TikTok lang nanonood ng mga spliced videos, hello sa inyo dyan. Sa mga ‘yun lang ang time nila, manood ng spliced videos pero kung maka-comment akala mo buong konteksto ang alam, hello sa inyo dyan,” sey ni Vice.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay trending ang kanyang pakikipag-usap kay Kulot kung saan napag-usapan nila ang tila pagkakaroon ng “text mate” ng ama ng bata.

Agad nag-viral ang naturang video na uploaded na sa iba’t ibang social media pages lalo na ang nahuling pagluha ni Kulot habang kausap si Meme Vice.

Marami ang mga nagbigay komento sa senaryong kanilang napanood lalo na’t ramdam na ramdam sa mata ng bata ang sakit na dulot ng kanilang pinag-uusapan, ang pagloloko umano ng kanyang ama.

Baka Bet Mo: Kulot naiyak sa ‘Showtime’, payo ng concerned netizen: ‘Please consult a child psychologist’

May mga sumuway kay Vice na mga psychologists dahil mabahala sila at dapat raw magkaroon ng counselling ang pamilya ni Kulot pati na rin ang mga hosts para alam ng mga ito kung paano i-handle ang ganitong sitwasyon.

Ayon rin sa mga doktor, hindi rin daw magandang pilitin ang bata kung ayaw niyang magsabi ng “i love you” o yumakap lalo na’t ilang beses nang sinabi ng Kulot na huwag na lang dahil hindi sila kumportable.

At kanina nga ay tila pasaring ulit ang binitawan nk Vice habang kausap ang mga bata at sinabing kung ayaw ng mga itong sumagot ay huwag pilitin dahil may mga netizens na naman raw na magko-comment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Baka sabihin na naman, pinipilit natin ‘yung mga bata. Kung gusto n’yo lang a. Yung mga tao nagagalit,” lahad ni Vice habang tinatanong ang mga bata kung gusto ba nitong batiin ang mga players ng “Isip Bata”.

Hirit pa niya kay Anne, huwag raw ulitin ang tanong dahil bak masabing pinipilit nila ang mga bata.

Wala namang naging pahayag ang “It’s Showtime” hinggil sa naging viral ganap ni Vice habang kausap si Kulot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice sinita, pinagsabihan ng 2 psychologist sa pag-iyak ni ‘Kulot’ sa Showtime: Hindi dapat pinipilit ang bata na magsabi ng ‘I love you’

Darren Espanto ‘in love’ raw, huling-huli ni Vice Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending