Cristy Fermin: 'Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano? | Bandera

Cristy Fermin: ‘Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano?

Therese Arceo |March 11,2023
facebook
share this

Cristy Fermin: ‘Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano?

Therese Arceo - March 11, 2023 - 04:52 PM

Cristy Fermin: 'Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano?

NAGBIGAY ng saloobin ang kolumnistang si Cristy Fermin patungkol sa mga vlogs na inilalabas lately ni Alex Gonzaga.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” ay natalakay nila kasama ang mga co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang mga komentong nababasa nila sa vlog ng bunsong Gonzaga.

“Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano? Nababasa ko ‘yung mga komento,” panimula ni Cristy.

Sey naman ni Romel Chika, “Nakakalungkot lang no, ang ganda nu’ng gesture. Pero ‘yung pagdating, pagtanggap… implementation parang ‘di natin ma-absorb.”

Dagdag pa ni Cristy, “Parang nababalewala, ano? Tapos eto na naman, itong kay Alex at kay Toni na negativity, kailan kaya mabubura ito?

“Kailangan muna nilang magbakasyon,” singit ni Romel.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!

Hirit pa ni Cristy, “Hindi ba dati nga ay pinagbabakasyon na natin? Hindi ba’t tuloy tuloy pa rin.”

Sabi pa ni Romel, “Nakakalungkot. Talagang sana ay magbakasyon muna ang mag-ateng ito. Palamig.”

“Palipas. May pana-panahon namang tinatawag, hindi ba? Kapag negatibong-negatibo ka ngayon, malay mo, magbakasyon muna kayo, palipas kayo ng ilang panahon, pagbalik n’yo, okay na ‘yan,” sabi pa ni Cristy.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nitong Enero ay ilang araw ring pinag-usapan ang kontrobersyal na pamamahid ng cake ni Alex sa isang waiter na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol.

Related Chika:
Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

Cristy Fermin napailing sa mga isyu tungkol kay Alex Gonzaga: Dapat may espasyo lang siyang kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending